DZMM may Chismax at trabaho.
() - January 25, 2010 - 12:00am

MANILA, Philippines - Matapos gumawa ng pangalan bilang showbiz columnist, pa­pasok naman sa broadcasting si Dolly Anne Carvajal bilang host ng bagong showbiz talk show sa DZMM Radyo Pa­trol 630 at DZMM Teleradyo na CHISMAX: Chismis to the Max.

Tuwing Linggo, mapapakikinggan at mapapanood sa Chismax ang enter­tainment columnist, kasama ang kapwa showbiz writer na si Ambet Nabus.

Ilang linggo pa lang sa ere ay gumawa na ng ingay ang Chismax dahil sa kanilang mga pasabog tungkol sa mga kon­trobersyal na artista. Pero hindi lang daw tsismis ang ma­hi­hita sa Chismax. Mayroon din daw live interviews at fea­tures ang programa ng magkaibigan at magkaklase pa.

Bukod sa Chismax, may isa pang bagong programa ang DZMM, ang Tra­baho, Panalo kasama si Jasmin Romero. Balita ang dala ni Jasmin sa Rad­yo Patrol Balita Alas Ku­watro pero sa Trabaho, Panalo, mga impor­mas­yon tungkol sa iba’t ibang propesyon ang tatalakayin niya para naman mapabuti pa ang trabaho ng mga Pilipino.

Samantala, magkasama naman sina Vic De Leon-Lima at Cheryl Cosim sa Todo Balita na gigising sa sambayanan sa pamamagitan ng mga pinak­amainit na balita at isyu sa bansa tuwing umaga.

AMBET NABUS CHERYL COSIM CHISMAX DOLLY ANNE CARVAJAL JASMIN ROMERO PANALO PATROL BALITA ALAS KU RADYO PA SHY TODO BALITA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with