^

PSN Showbiz

Tambayan na sa Internet na

-

MANILA, Philippines - Magbalik tanaw sa 12 ma­kuku­lay na taon kasama ang 101.9 sa espes­yal na album handog ng Tam­bayan 101.9.

Balikan ang mga kantang namayagpag sa yearend hit charts ng Kapamilya FM sta­tion simula 1996 hanggang 2007 at pakinggan ang bago nitong mga bersiyon na nga­yon n’yo lang maririnig.

Ilan sa mga dapat aba­ngan ay ang pag-awit ni Aiza Seguerra ng classic hit ni Celine Dion na My Heart Will Go On, Dadalhin ng 6Cycle­Mind, Rainbow ng Moonstar 88, Love Moves in Mysterious Ways ni Toni Gonzaga at Hawak Kamay ni Bugoy Drilon.

Kabilang din sa album sina Erik Santos, Sopiz, Syato, Pale Yellow Light, Paraluman at Juris ng MYMP.

Isa lamang ang espesyal na album sa paraan ng pagpapasalamat ng Tambayan 101.9 sa masusugid nitong tagapakinig. Kamakailan, inilunsad na rin ng istasyon ang Tambayan TV (www.tambayan1019.com http://www.tambayan1019.com) kung saan mapapanood ang mga kaganapan sa radio booth live via internet at ang Tambayan HD kung saan mas malinaw ang reception at may dalawang dagdag na istasyon pang pwede pagpilian maliban pa sa live feed ng Tambayan 101.9 gamit lamang ang HD radio unit.

Ang Tambayan 101.9 album ay mabibili na sa mga record bars nationwide. Para sa mga musikang bumubuo sa soundtrack ng buhay mo, patuloy lang na tumambay at makinig sa Tambayan 101.9.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ANG TAMBAYAN

CELINE DION

ERIK SANTOS

HAWAK KAMAY

LOVE MOVES

MY HEART WILL GO ON

MYSTERIOUS WAYS

SHY

TAMBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with