^

PSN Showbiz

Charlene inalagaan ang ama bago namatay

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis -

Mabuting anak talaga si Charlene Gonzales. Ang half-brother ni Charlene sa fatherside ang nagkuwento sa mga reporter na siya ang nag-alaga kay Bernard Bonnin nang ma-confine ito sa Philippine Heart Center.

Nang mamatay ang kanilang ama, araw-araw din si Charlene sa Heritage Park. Siya ang nag-aasi­kaso sa mga nakikiramay sa kanyang pamil­ya. Hindi naabutan si Charlene ng mga reporter na nagpunta sa burol ni Bernard dahil umuuwi siya ng bahay para asikasuhin naman si Aga Muhlach at ang kanilang kambal na anak.

Hindi makakauwi si Richard Bonnin para sa libing ng tatay nila ni Charlene. Sina Richard at Charlene ang mga anak ni Bernard sa dating beauty queen na si Elvie Gonzales.

Muli, ang aking pakikiramay sa mga naulilang pamilya ng original Palos.

* * *

Once a week lang napapanood sa Korea ang Full House kaya mabibilang sa daliri ang mga bida ng Koreanovela na sinubaybayan sa GMA 7 ng mga Pinoy noong 2004.

Sumikat sa Pilipinas ang Korean singer/actor na si Rain dahil sa Full House. May Pinoy adap­tation na ang Full House at siyempre, ang GMA 7 ang produ. Mga bida sina Richard Gu­tier­rez at Heart Evangelista. At dahil gabi-gabing mapapanood sa telebabad ng Kapuso net­work ang Full House, dinagdagan ang mga karakter na makikigulo sa buhay nina Justin at Jessie.

Apat lang ang mga artista sa Korean version ng Full House pero dinagdagan ang mga star­ring sa Pinoy adaptation. Join sa cast sina Pilita Corrales, Ronaldo Valdez, Sheena Halili, Rainier Castillo, Epi Quizon, Keempee de Leon, Isabel Oli, at John Lapus.

Naaliw sa trailer ng Full House ang mga reporter na nagpunta sa presscon. Puring-puri nila ang nagmumurang kaguwapuhan ni Ri­chard sa screen. Bagay na bagay daw kay Ri­chard ang role ng isang artista!

I’m sure, hindi nahirapan si Richard dahil parang as himself ang ginampanan niya sa Full House.

* * *

Sino sina Rizha Ostonal, Apple Seva, Doris Cheong, Will Carlos at Jayson Ryan Su­mang? Sila ang lima sa Top 22 candidates ng Picture Flawless campaign ng Flawless.

Nakita ko na ang mga litrato ng limang candi­dates at na-impress ako dahil pang-billboard tala­ga ang kanilang mga mukha as in may kara­patan sila na ma-feature sa sangkatutak na billboard ng Flawless.

Bilib ako sa panel of judges ng Picture Flaw­less. May mata sila sa potential models at future movie stars. Magsisisi ang mga nagbalak pero hindi itinuloy ang pagsali sa bonggang contest ni Mama Rubby Sy dahil nawalan sila ng pag­kakataon na matupad ang kanilang pangarap na maging endorser ng Flawless at maka-level sina Lorna Tolentino, Richard Gutierrez, Mark Herras, Yasmien Kurdi at Judy Ann Santos.

Nag-win na rin ng P8,000 each ang eight lucky Flawless costumers na nag-cast ng boto sa mga Flawless clinic. Sila ay sina Ma. Lorena Torio, AJ Lario, Owen Verana, Michelle Renegado, Ronaldo Vasquez, Analyn Chavez, at Bernardo Isidoro.

Ang suwerte-suwerte nila huh! Bumoto lang, nagkaroon na sila ng 8 kiyaw!

AGA MUHLACH

ANALYN CHAVEZ

APPLE SEVA

BERNARD BONNIN

BERNARDO ISIDORO

CHARLENE

CHARLENE GONZALES

FULL HOUSE

SHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with