^

PSN Showbiz

Tatay ni Charlene Gonzales namatay!

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis -

Starstruck umapir sa SOP

Hindi ko napahindian ang offer na maging Starstruck council member kaya lumabas ako ng bahay kahapon, kesehodang rest day ko ang Linggo.

Na-meet ko na ang aspiring stars ng Starstruck at para sa akin, lahat sila eh may potensiyal na maging artista pero siyempre, dalawa lang ang puwedeng tanghalin na Ultimate Survivor ng artista search ng GMA 7.

Umapir na kahapon sa SOP ang mga Starstruck contestant. Sumayaw sila at nakita ko kung sino sa kanila ang confident na confident sa harap ng mga TV camera.

Jinkee Nagpapasalamat

Nag-thank you si Jinkee Pacquiao sa mga kaibigan niya na nagpadala sa kanya ng mga touching message.

Na-touch si Jinkee sa suporta ng mga kaibigan na nagbigay ng moral support at nagsabi sa kanya na huwag magpatalo sa mga gustong sumira sa pagsasama nila ni Manny.

Mommy D. di na maabot

Hindi na talaga maabot si Mommy Dionisia Pacquiao. Dati-rati, Aling Dionisia lang ang tawag sa kanya. Tapos, naging Mommy Dionisia at ngayon, Mommy D. na lang!

Tinalbugan na ni Mommy D si Dina Bonnevie, ang original Miss D. Hindi ako magugulat kung maging Ms. D. na rin ang tawag kay Mommy Dionisia, pagdating ng takdang panahon. Takdang panahon daw o!

Sino ang nagsimula ng kuwento?

May nagtatanong kung saan nag-umpisa ang mga tsismis tungkol kina Manny at Krista? Sino raw ang nagsimula?

Sino ang nagsimula ? Eh di sila rin! Nakita si Krista na kasama sa mga lakad ni Manny kaya nabuo ang malisya ng mga witness. Likas na malisyoso ang mga Pilipino kaya hindi mahirap sa kanila ang mag-one-plus-one.

Lumabas din ang mga ebidensiya, mga litrato at video. Hindi nakatulong ang mga no comment na sagot ng mga sangkot sa isyu. Inasahan ng mga tao na hindi totoo ang mga tsismis ang isasagot nila pero dahil no comment ang kanilang mga siney, lalong nag-apoy ang mga balita.

Palos namayapa na

Nakikiramay ako sa mga naulila ni Bernard Bonnin, ang ama ni Charlene Gonzales na suma­kabilang-buhay noong Sabado.

Huli kong nakita si Bernard sa burol ni Rudy Fernandez sa Heritage Park noong June 2008 at ngayon, ang kanyang bangkay naman ang nakaburol doon.

Na-stroke si Bernard at ang alam ko, na-paralyze ang kanyang katawan. May anak si Bernard na sumali noon sa Starstruck pero hindi pinalad na makaabot sa finals.

Hindi ko pa alam ang ibang mga detalye tungkol sa libing ni Bernard. Babalitaan ko agad kayo kapag nala­man ko na ang mga mahahalagang impor­masyon.

ALING DIONISIA

BERNARD BONNIN

CHARLENE GONZALES

DINA BONNEVIE

MOMMY D

MOMMY DIONISIA

SINO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with