^

PSN Showbiz

Matapos i-make over, Charice nagmukhang si Madame Auring

- SEEN SCENE -

SEEN : Walang kabuhay-buhay ang 57th Famas Awards noong Linggo. Mabagal ang programa at parang inilihim ng mga organizers ang awards night.

SCENE : Nanalo ng acting awards sa Famas ang mga artista ng Paupahan, best actor si Allen Dizon, best supporting actor at best supporting actress, respectively sina German Moreno at Snooky Serna.

SEEN : Ang parunggit ni Carlo J. Caparas sa kanyang mga detractors nang tanggapin niya ang special award na ipinagkaloob sa kanya ng mga miyembro ng Famas.

SCENE : Si Heart Evangelista ang best actress winner sa 57th Famas Awards. Nagwagi si Heart para sa indie movie na Ay, Ayeng. Hindi niya sinipot ang awards night.

SEEN : Balik Umagang Kay Ganda (UKG) si Edu Manzano. Ikinatuwa ng viewers ng UKG ang pagbabalik ni Edu na tiyak na ang pagkandidatong senador sa 2010.

SCENE : Sina Kim Chiu at Gerald Anderson ang German Moreno Youth Achievement Awardees ng 57th Famas. Dumating sila sa venue ngunit biglang nawala. Hindi nila natanggap nang personal ang kanilang special award.

SEEN : Ang make over kay Charice Pempengco. Kinulot ang kanyang buhok, pinagsuot ng colored contact lenses at nilagyan ng makapal na makeup.

Kamukha na siya ni Madame Auring noong kabataan nito.

SCENE : Kasama ni Pia Guanio sa kanyang birthday vacation sa ibang bansa ang boyfriend na si Vic Sotto.

ALLEN DIZON

CARLO J

CHARICE PEMPENGCO

EDU MANZANO

FAMAS

FAMAS AWARDS

GERALD ANDERSON

GERMAN MORENO

GERMAN MORENO YOUTH ACHIEVEMENT AWARDEES

HEART EVANGELISTA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with