^

PSN Showbiz

Best Actress awardee Heart wala nang mahihiling pa

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis -

Mali ang balita na kumalat kahapon na na­ramdaman lang ang lindol sa Roxas Boulevard, Manila.

Ang totoo, na-feel din ang lindol sa Quezon City. Hindi naman nag-panic ang mga tao dahil mahina ang lindol na na-feel nang husto sa Mindoro.

Sunud-sunod ang kalamidad na dumarating sa ating bayan. Inaabangan ang pagdating ng bagyong Ramil na isa raw super typhoon.

Kung hindi lilihis si Ramil, masasalanta na naman ang mga kababayan natin sa Northern Luzon na hindi pa nakaka-recover sa perwisyo na dinala ni Pepeng.

Kailangan ng taimtim na dasal kay Lord para lumihis ang bagyong Ramil. Nagdasal noon nang husto ang mga taga-Metro Manila kaya hindi ito dinaanan ni Pepeng. Ipagdasal uli natin kay Lord na tuluyan nang humina ang bagyong Ramil para hindi na ito makapanira sa ating bayan.

* * *

Hindi lamang pala ang mga reporters ang nakatanggap ng text message tungkol sa attempted suicide ni Lyka Ugarte.

Nakatanggap din ng text message ang ibang mga artista mula sa anak ni Lyka. Isang bagay lang ang ipinagtataka ko, paano nalaman ng anak ni Lyka ang mga cellphone numbers ng mga reporters at ng mga artista?

Nakabuti kay Lyka ang pag-amin nito tungkol sa kanyang attempted suicide dahil marami ang nagpaabot ng tulong.

Sana lang eh maka-recover na siya mula sa kanyang depression. Malalaki na ang kanyang mga anak. Puwede na silang maghanap-buhay para sila naman ang maglingkod sa kanilang ina.

* * *

Dating nagtatrabaho si Lyka sa SM Cinema. Palagi siyang present noon sa mga premiere nights at sa mga events ng SM Cinema.

Hindi ko pa nadidiskubre ang dahilan ng pagkawala niya sa kanyang trabaho sa SM Cinema na isang napakalaki na kumpanya. Kung hindi nag-goodbye si Lyka sa kanyang work, siguradong maganda ang takbo ng buhay niya. Hindi siya mamomroblema sa pang-araw-araw na gastos.

* * *

Congrats sa aking kapit-bahay dito sa PSN, si German Moreno. Nag-win si Kuya Germs ng best supporting actor trophy sa Famas Awards.

Nanalo si Kuya Germs dahil sa role niya sa Paupahan. Nagkita kami ni Kuya Germs sa presscon ng Patient X noong nakaraang linggo. Wala siyang kamalay-malay na isang sorpresa at belated birthday gift ang matatanggap niya, ang award mula sa Famas.

Si Kuya Germs ang mentor at discoverer ni Jhake Vargas. Tutok na tutok si Kuya Germs kay Jhake na mainstay sa Master Showman at may special participation sa Patient X.

* * *

Nag-win din si Heart Evangelista sa Famas Awards dahil siya ang best actress. Natsugi man si Heart sa Patient X, nagkaroon naman ng magandang kapalit dahil bukod sa kanyang acting award, siya ang leading lady ni Richard sa Full House. Wala nang mahihiling pa si Heart dahil maganda ang takbo ng kanyang showbiz career.

FAMAS AWARDS

FULL HOUSE

GERMAN MORENO

KUYA GERMS

LYKA

PATIENT X

RAMIL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with