Singing champs magbibiritan
() - October 1, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ang mga singing champions na sina Rachelle Ann Go at Jed Madela ay magpapares sa unang pagkakataon para sa kanilang konsiyerto na True Champions Best of the Best, handog ng Viva Concerts & Events sa Oct. 24 sa Skydome SM North EDSA.

Parehong nakilala ang dalawang pop singers matapos magwagi sa mga sikat na singing contests.

Si Rachelle Ann ay first prize winner sa Search For a Star at sa Shanghai Asia Music Festival. Naging matunog ang pangalan ni Rachelle sa mga kantang Don’t Cry Out Loud, You and Me (We Wanted It All), From the Start (winning song niya sa Shanghai), Love of My Life (na nagpanalo sa kanya ng MTV female artist award), Bakit, I Care, Honestly, at iba pa.

Si Jed naman ay nasungkit ang grand prize sa World Championship of the Performing Arts na tumalo sa mga sumali mula sa 52 bansa. Nagwagi rin siya sa Voice of Asia contest. Ang mga hit recordings niya ay How Can I Fall, The Past, Love Always Finds a Way, Let Me Love You, Narito, at ang duet nila ni Rachelle Ann na The Past.

Ang True Champions Best of the Best ay magsisilbing entablado ng biritan ng dalawang magagaling na mang-aawit ng bagong henerasyon. Para sa mga tiket, tumawag sa Ticketnet (911-5555) at Viva Concerts & Events (687-6181 local 627 o 620) o mag-log on sa www.viva.com.ph.

Ang Skydome ay ang bagong “happening place” ng mga special shows sa Metro Manila. 

ANG SKYDOME ANG TRUE CHAMPIONS BEST OF THE BEST ASIA MUSIC FESTIVAL CRY OUT LOUD FROM THE START HOW CAN I FALL I CARE JED MADELA LET ME LOVE YOU VIVA CONCERTS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with