^

PSN Showbiz

Direk Jeffrey gusto ang classic na kape

-

MANILA, Philippines - Para sa mga movie fans, nangyayari lamang ang romantikong perfect pairing sa pelikula. Pero para sa direktor na si Jeffrey Jeturian, alam niya na tunay ang pagpapareha nila ng kanyang paboritong kape, ang Nescafé Classic.

“Bigyan mo lang ako ng isang tasa ng mainit na tubig at samahan mo ng asukal at Nescafé Classic, kahit saan, kahit anong oras, and I’d be the most contented person on earth. Hinahanap-hanap ko iyan na parang tubig,” sabi ng award-winning director.

Katulad din ng pagmamahal niya sa pelikula, si direk Jeffrey ay naimpluwensiyahan din ng kan­yang mga magulang na parehong coffee lovers. Sa loob ng maraming dekada, ang direktor at ang kanyang paboritong kape ay nagkaroon na ng malalim na pagpapareha.

“It’s comfort beverage for me. Lumaki ako’t tumanda na may Nescafé Classic sa buhay ko, so it has become like a ‘family’ to me,” sabi ni direk Jeffrey.

Ang huling ginawang obra maestra ng direktor ay ang ika-pitong pelikula niya na Kubrador. Umani ito ng mga papuri ng kritiko sa ilang international film festivals.

Siyempre, naging kaagapay na rin ng 50-year-old filmmaker ang kape sa set. Sabi niya, “Sa shooting, taga-alis ng stress ko ang kape. I take it while pondering on the scenes to be taken. It also keeps me alert and awake throughout the usual 24-hour working day.”

Pero pinakapaborito niya ang pag-inom ng Nescafé Classic sa almusal, habang nagbabasa ng dyaryo.  

BIGYAN

HINAHANAP

JEFFREY

JEFFREY JETURIAN

KATULAD

KUBRADOR

LUMAKI

NESCAF

PERO

SABI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with