^

PSN Showbiz

Vhong at Desiree wala nang pakialamanan

BUZZ BREAK - Eric John Salut -

Follow-up item ito sa nasulat naming split nina Vhong Navarro at Desiree del Valle. Matapos naming masulat ang nasabing hiwalayan, as per Vhong’s confirmation, sinegundahan ito ni Desiree nang makakuwentuhan namin sa all-star photo shoot ng Faces & Curves endorsers noong Sunday.

“Yes, it’s true,” sabi ni Desiree. “And it’s true na we both agreed to end it.”

Noong una ay constant pa ang exchange of text messages nila ni Vhong, ani Desiree. Pero nitong huli ay tinigilan na niya.

“What for, di ba? Mas maganda yung ganun, para mabilis ang pag-move on namin,” sabi ni Desiree.

When asked kung may third party sa hiwalayan nila ni Vhong, “Wala naman. Not that I know of ha. Hindi ko alam. Wala akong alam.”

Sa ngayon, Desiree keeps herself busy with work. Lumalabas din daw siya with some friends. But she hasn’t found someone na pamalit kay Vhong.

Noong namatay ang kanyang ama three weeks ago, umuwi si Desiree ng America. Pero pagkalibing ay bumalik din siya ng Pilipinas. “Kung wala lang akong commitments na trabaho rito like May Bukas Pa, siguro doon muna ako magi-stay. Pero kailangan kong bumalik agad e,” sabi ni Desiree.

* * *

During the said Faces & Curves photo shoot, nakakuwentuhan din namin si Kaye Abad. That day, maingay ang balitang nagkakalabuan na sila ni Chito Miranda, her boyfriend of seven years. Panay lang ang tawa ni Kaye at walang malinaw na pahayag.

Nilinaw lang ni Kaye ‘yung tungkol sa napabalitang lumabas sila minsan ni Dennis Trillo. Ang ikinaloka ni Kaye, matagal na raw nangyari ‘yun at bakit lately lang ginagawang issue.

“Month of May pa ‘yun. Pero hindi yun date. Wala lang,” pahayag ni Kaye.

Nagulat kami nang mapansin namin na sa isang corner ng venue ng photo shoot ay napansin namin si Guji Lorenzana. Ito ang lalakeng inuugnay ngayon kay Kaye. Sabi ni Guji, “I dropped by to say hi to her. But i’m not staying long cause I have ASAP pa.”

Pagkatapos ng usapan namin ni Kaye, agad kaming nakatanggap ng chika na totoong nagkakalabuan na sina Kaye at Chito.

Sabi ng aming source, “It’s actually an open relationship. Ganun ang set up nila ever since. Meaning, Chito can date other girls and Kaye naman can date other boys.”

* * *

Malinaw na false alarm ang balitang lilipat si Nikki Gil sa GMA 7 para maging leading lady daw ni Richard Gutierrez sa bago nitong show. Na-trace na ng Star Magic kung paano at kung sino ang nagkalat ng balita.

Nagsimula ito sa shout out ng publicist ng Gutierrez family which was discovered na fake daw. Meaning, may poser din daw ang publicist ng controversial family.

Kami man ay nagulat sa balitang ito dahil ang alam namin, two shows ang nakatakdang simulan ni Nikki sa ABS-CBN. Nariyan ang isang bagong teleserye at isa pang weekly series.

Si Nikki man ay nagulat din sa naglalabasang issue.

“She requested na ma-clear ang issue,” sabi ni Thess Gubi. “Kasi nga naman, left and right ang projects niya sa ABS, tapos lalabas na parang nagu-audition siya sa GMA 7.”

Napansin lang namin na tuwing may new show si Richard sa GMA 7, laging ABS-CBN stars ang lumalabas na pangalan. Nangyari ito noong nag-iingay sila sa Zorro. Na kesyo tatlong ABS-CBN stars daw ang nag-audition for the part. Ngayon, may new show na naman at Kapamilya star na naman ang puntirya.

Para kasing nagiging style na nila ang ganitong sistema.

* * *

Tita Salve, pagbigyan mo kami na pasalamatan ang mga taong nakakaalala sa nakaraan naming birthday. Salamat kina Boy Abunda, Drs. Jay and Sheila Recasata (ng Faces & Curves), Ms. Joy Lim (ng Charms & Crystals), Mariel Rodriguez, Pokwang, Toni Gonzaga, Eleina dela Vega, Thess Gubi (ng Star Magic) at si Mr. Philip Secosana sa treat niyang dinner with friends.

At sa mga nag-text, nag-e-mail at tumawag, maraming-maraming salamat po.  

DESIREE

KAYE

NAMIN

PERO

STAR MAGIC

THESS GUBI

VHONG

WALA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with