_ngayon
^

PSN Showbiz

Sikreto at misteryo lumilinaw na sa Maruja

-

MANILA, Philippines - Patuloy na binibigyan ng Ko­miks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka Maruja nang naka­katin­dig-balahibong mga tagpo tuwing Sabado ng gabi ang mga manonood kaya naman lalong hu­mihigpit ang kapit nila sa kwento.

Unti-unti nang nagiging mali­naw ang mga misteryo at dahan-dahan na ring nabubunyag ang mga sikreto.

Sa episode ngayong Sabado, tutulungan pa rin ni Cristy (Kris­tine Hermosa) sina Leila (Maja Salvador) at si James (Coco Mar­tin) kahit pa may sarili rin siyang problema. Para kay Cristy, ang pagtulong niya sa iba ay isang paraan na rin nang pagpapakita na nalungkot siya sa nangyari kay Helen (Karylle).

Sa kabilang dako, ayaw pa ring bitawan ni Ross (Derek Ramsay) si Cristy. Ngunit, maririnig ni Helen na nagsasalita habang tulog si Ross at may balak patayin nito si Maruja at Gabriel. Ito ang mag-uudyok kay Helen na bigyan ng babala si Cristy. Ngunit nang makita ni Cristy si Helen, nahulog ito sa hagdan sa takot.

Paano kaya sasabihin ni Helen kay Cristy ang narinig niya mula kay Ross?

Huwag palalampasin ang nag-iisang kilabot ng inyong Sabado ng gabi, ang Komiks Presents Mars Ravelo’s Nasaan Ka Maruja, pagka­tapos ng Cinema FPJ.

CRISTY DEREK RAMSAY HERMOSA KOMIKS PRESENTS MARS RAVELO MAJA SALVADOR NASAAN KA MARUJA NGUNIT PRESENTS MARS RAVELO SABADO SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with