^

PSN Showbiz

P150K ang halaga, baklang staff niregaluhan ng boobs ng actress-TV host; Aling Dionisia at Pokwang magtutuos na

BUZZ BREAK - Eric John Salut -

Very proud na ipinagmamalaki ng isang wardrobe staff ang kanyang bagong boobs. He is gay. Ikinukuwento ng staff member sa fellow staffer kung paano ginawa ang kanyang boobs. Matagal nang pangarap ng gay staffer na magkaroon ng boobs.

At natupad ang kanyang pangarap nang maikuwento nito sa isang sikat na host. Nagulat ang staffer nang sabihin ng sikat na actress-TV host na “wish granted” na ang kanyang pangarap. Right away, tinawagan ng actress-TV host ang isang kilalang surgeon at ginawan ng appointment ang staffer.

Pangalawa na ang gay staff na niregaluhan ng actress-TV host ng breast augmentation. At hindi basta-basta lang ang halaga ng breast augmentation. Umabot ito ng P150,000. Kilala rin ng actress-TV host sa pagriregalo ng mga mamahaling alahas sa sinumang matipuhan niyang bigyan.

Kaya ngayon, sinasamba ng staff ang actress-TV host dahil sa pagbibigay nito ng katuparan sa kanyang pangarap.     

* * *

May nakakatawang nangyari kay Pokwang noong Biyernes ng hapon. Nakatanggap ng tawag ang personal assistant niya from a certain Manny Pacquiao. Dahil nagmamadali, hindi na nakausap ni Pokwang ang nasa linya ng telepono. Nang magkaroon na siya ng chance, she called him back.

Tinalakan ni Pokwang ang kausap sa linya sa pag-aakalang si Pooh lang iyon. Madalas kasing magbiruan ang dalawa sa phone. With Pokwang immitating Mrs. Dionisia Pacquiao while Pooh imitating Manny. Ganito rin sila madalas ni Chokoleit kapag nagbibiruan.

Habang tinatalakan ni Pokwang ang kausap, nag-insist ito na siya si Manny. Kailangan daw nito ang serbisyo ni Pokwang sa isang okasyon sa General Santos City this month.

 “Tumigil ka nga riyan, Pooh! Busy ako, wala akong panahon sa ’yo!” birong-talak ni Pokwang sa kausap sa telepono.

Nang mahaba na ang kanilang usapan, napansin ni Pokwang na iba ang tawa ng kausap.

It was only then na na-realize ni Pokwang na si Manny Pacquiao nga ang kausap niya.

Hiyang-hiya si Pokwang dahil sa mga nasabi niya kay Manny dahil sa pag-aakalang si Pooh ang kan­yang kausap. Nakakaloka, ’di ba? Nag-sorry naman si Pokwang kay Manny.

Kapag natuloy si Pokwang sa nasabing event ni Manny sa General Santos, ito ang unang pagkakataon na magkikita ng personal sina Pokwang at ang ini-imitate niyang si Aling Dionisia Pacquiao.

Still on Pokwang, nanghihinayang si Pokwang na hindi niya nasuot ang Philippine terno na ipinatahi niya para sa Wowowee noong Sabado. She was advised na hindi puwedeng gamitin ang dress dahil national dress ito. Late nang naabisuhan si Pokwang.

Laking pasasalamat ni Pokwang dahil na-offer ni Mariel Rodriguez ang isang gown nito na puwedeng magamit. 

* * *

Sa Martes ay nakatakda na ang courtesy visit ng apat na bidang aktor ng Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla na sina Gerald Anderson, Jake Cuenca, Coco Martin, at Jolo Revilla kay Ramon Revilla, Sr.

Kasama rin sa nasabing visit ay sina ABS-CBN president Charo Santos-Concio, ABS-CBN channel head Cory Vidanes at business unit head Deo Endrinal and Julie Anne Benitez, headwriter Dindo Perez at executive producers Emilio Paul Siojo, and Brenda Lee Estocapio.

Sa announcement presscon ng Agimat last month, inihayag ng magkapatid na Andrea Bautista-Ynares at Rowena Bautista-Mendiola na bago magsimula ang project ay gustong personal na makilala si Revilla, Sr. ang tatlong bidang lalaki bukod sa kanyang apo na si Jolo.

Inaasahan na kumpletong magwi-welcome ng mga guests ang buong Revilla clan sa Martes. May inihanda ding sorpresa ang ABS-CBN para kay Revilla, Sr. bilang pagpupugay sa kanyang pagiging hari ng agimat.

AGIMAT

ALING DIONISIA PACQUIAO

ANDREA BAUTISTA-YNARES

ANG MGA ALAMAT

BRENDA LEE ESTOCAPIO

POKWANG

RAMON REVILLA

REVILLA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with