^

PSN Showbiz

Kahit walang okasyon, Angelica niregaluhan ni Derek ng bagong kotse; Dahil sa BF, aktres wala nang gana sa trabaho

BUZZ BREAK - Eric John Salut -

In love na in love ang isang aktres sa non-showbiz boyfriend nito. At kung magpapatuloy ito, malamang na ito ang maging dahilan para mag-quit ang aktres sa showbiz. Lahat ay gagawin ng aktres para sa kanyang boyfriend.

Sa katunayan, hindi sinipot ng aktres ang isang provincial show sa north. The day na dapat sana ay may-show ang aktres sa isang probinsiya, sinabihan ito ng kanyang boyfriend na huwag nang siputin ang show. And true enough, gumawa ito ng drama sa kanyang manager.

Mabuti na lang at nakakuha ng replacement ang manager. Dahil kung hindi, demanda ang aabutin ng aktres dahil may kontrata itong pinirmahan.

Bago nakilala ng aktres ang boyfriend nito, kilala ito sa kasipagan at maayos magtrabaho. Pero ngayong in-love, naging pabaya ito sa trabaho. Kapansin-pansin din ang pag-gain nito ng weight. Matatandaan na nagkaroon na rin ng relasyon ang aktres with some showbiz guys.

Kung may plano ang aktres na mag-quit, kayang-kaya naman siyang buhayin ng kanyang boyfriend na ang balita namin ay bukod sa guwapo na ay mayaman pa.

***

Noong Huwebes ng gabi ay napadalaw kami sa taping ng Banana Split kung saan nakakuwentuhan namin sina Angelica Panganiban, Pokwang, Zanjoe Marudo, RR Enriquez at John Prats. Kapansin-pansin na malungkot si Angelica. Mula sa airport that morning ay dumiretso si Angelica sa taping sa ABS-CBN.

Napansin namin na malungkot ito. Nang kumustahin namin sila ni Derek Ramsay, wala ito sa mood na sumagot. Naramdaman namin na may tampuhan na naman ang dalawa.

Kahapon ng umaga, nabalitaan namin na ang saya-saya ni Angelica. Dahil niregaluhan siya ni Derek ng isang brand new car. Isang mini cooper. Walang okasyon pero type lang ni Derek na regaluhan si Angelica.

“Nagtatampo si Angel dahil feeling niya, hindi siya na-miss ni Derek. ‘Yun pala, may drama si Derek na i-surprise siya. Kaloka, kotse talaga ang regalo! Ganun si Derek, madrama rin,” sabi ng kausap namin.

Kahapon ay ginamit na ni Angelica ang regalong mini cooper ni Derek sa taping ng Rubi.

***

Ngayong hapon ang premiere ng Your Song Presents: Gaano Kita Kamahal na pagbibidahan ni Maricar Reyes. Ito ang biggest acting break ni Maricar sa telebisyon. Last week ay nagsimula na siyang mapanood sa May Bukas Pa bilang taong-grasa. Maganda ang feedback episode dahil nag-rate ng 40.9% sa nationwide rating.

Masusubukan ang talent ni Maricar sa pagganap bilang other woman ni Sid Lucero sa Your Song Presents. Si Jodi Sta. Maria ang gumaganap bilang asawa ni Sid.

Sinubukan naming kunan ng pahayag si Maricar tungkol sa public apology ni Hayden Kho pero nag-beg off ang Star Magic. Consistent si Maricar at ang kampo nito na manahimik na lang sa isyu.

In fairness sa ABS-CBN, tinupad nila ang pangako kay Maricar na tulungan. For the record, even before sumabog ang video scandal, naka-commit na ang ABS-CBN kay Maricar na tutulungan ito. Sa katunayan, pumirma na ito ng kontrata sa Star Magic na mangangalaga ng kanyang career.

Mali ang akusasyon na ini-exploit ng ABS-CBN si Maricar. Meaning, nakaplano na ang lahat ng mga proyektong gagawin ni Maricar sa ABS-CBN. Tuluy-tuloy din ang taping niya para sa Lovers In Paris.

***

Matipid ang mga pahayag ni Kris Aquino kapag ang kalagayan ng kanyang inang si Mrs. Corazon Aquino ang tinatanong. She is trying to be brave kahit mahirap para sa kanya na makita ang kanyang ina na nahihirapan.

Stable na pero delicate pa din ang condition ni Mrs. Aquino. 

Ayon sa kausap namin: “She gets to talk to her mom naman, kaya lang, talagang mahina siya. And she couldn’t eat. Mahirap para kay Kris seeing her mom like that.”

Kris gets her strength from her family and friends. Personal niyang tinatawagan ang mga kaibigan niya kapag nada-down siya. Patuloy ang panawagan ni Kris at ng kanyang pamilya for prayers for Mrs. Aquino’s healing.

Kapag walang trabaho, nasa ospital lang si Kris at nagbabantay sa kanyang mommy.

Dalangin namin na bumiti ang kalagayan ni Mrs. Aquino at ang kanyang tuluyang paggaling.

AKTRES

ANGELICA PANGANIBAN

DEREK

KANYANG

MARICAR

MRS. AQUINO

NAMIN

STAR MAGIC

YOUR SONG PRESENTS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with