Zorro pipiliting pabagsakin!
() - April 2, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Maraming magaganap sa Zorro ngayong linggong ito na uumpisahan sa malaking pagdiriwang ng mga Pelaez. Magtatagpo ang mga mata nina Antonio (Richard Gutierrez) at Lolita (Rhian Ramos) ngunit mailap ang pagkakataon upang makilala nila ang isa’t isa.

Magkakaroon naman ng labanan ang mga sundalo at mga indio, pero dahil matatalo na sa laban sa dami ng sugatan, mapapaatras ang mga rebeldeng indio.

Si Antonio naman ay mapapabagsak dahil sa tama ng baril sa binti.

Upang makaiwas sa pagdududa ang ilan, ipinasya niyang magtungo kay Diego (Jomari Yllana) upang magamot muna ang sugat. Magkakaroon naman ng pagtatalo ang mag-tiyuhin dahil sa ginawang kapusukan ng binata.

May darating na isa pang pagsubok ang bidang si Antonio. Muli niyang binalikan ang guardia civil na kasamang pumatay sa kanyang ina. Ngunit nang may pagkakataon nang tapusin ang kalaban, isang babaeng indio ang hihingi ng saklolo sa nagbabantang panggagahasa. Pinili niyang iligtas ang babae at ito ay masasaksihan ni Diego. Ito ang magsasabing handa na nga si Antonio na maging Zorro.

Sa kalaunan, magpapaalam na ang tiyong si Diego para bumalik ng California pero ituturo niya muna sa pamangkin ang isang mahalagang bagay – ang marka ni Zorro.

Tutugisin pa rin si Antonio ng mortal na kaaway na si Ramon at malalagay sa alanganing daan si Zorro. Hindi na tatakbo pa ang kanyang kabayo. Mapipilitan siyang bumaba rito at tumakas.

Sa mga bakas ng paa niya, mahuhulaan ni Ramon kung saan ito magtatago.
Abangan pa ang mga susunod na paglalaban-laban ng mga bida sa inaabangang Zorro gabi-gabi sa GMA 7.  

ABANGAN JOMARI YLLANA LOLITA MAGKAKAROON MAGTATAGPO RHIAN RAMOS RICHARD GUTIERREZ SI ANTONIO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with