^

Bugoy, Rocksteddy paiingayin ang Seasportsfest

() - March 21, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ang nagwaging Pinoy Pop Superstar na si Maricris Garcia, kasama ni Bugoy Drilon ng Pinoy Dream Academy at ang bandang Rocksteddy ay magtatanghal sa awarding ng Manila Bay Summer Seasports Festival, na gaganapin sa ika-29 ng Marso, alas-siyete ng gabi sa harap ng Rajah Sulayman Park sa Baywalk, Roxas Boulevard.

Handog ng Manila Broadcasting Company at ng Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, ang Manila Bay Summer Seasports Festival ay magsasagawa ng mga labanan sa Dragon Boat Racing at stock/formula races ng mga bangkang de-motor.

Inaasahan namang lalaban sa kampeonato ng mga bangkang de-motor ang batikang mga bangkero mula Batangas, Cavite, La Union, Pangasinan, Mindoro, Iloilo, Aklan, and Dipolog, kasama ng mga piloto ng bangkang “Storm” at “Joan” na nagsipagwagi noong 2008.

AKLAN DRAGON BOAT RACING DREAM ACADEMY LA UNION MANILA BAY SUMMER SEASPORTS FESTIVAL MANILA BROADCASTING COMPANY MARICRIS GARCIA PHILIPPINE COAST GUARD PINOY POP SUPERSTAR RAJAH SULAYMAN PARK ROXAS BOULEVARD
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with