^

PSN Showbiz

AiAi gustong agawan ng trono si Kris

- Veronica R. Samio -

Totoong hanggang ngayon ay patuloy pa ring kumikita sa takilya ang mga pelikulang ginawa nina Aiai delas Alas (Ang Tanging Ina N’yong Lahat) at Sarah Geronimo (A Very Special Love) pero, ang binigyan lamang ng konsiderasyon ng SM ay ang panahon ng pagpapalabas ng movie ni AiAi nung Kapaskuhan lamang at hindi na sinakop yung mga sumunod na mga araw ng bagong taon kung kaya nanalo bilang topgrossing film na ipinalabas sa lahat ng mga sinehan ng SM ang pelikula ng Pop Princess na kung saan ay katambal niya si John Lloyd Cruz.

Silang dalawa rin ang bibigyang parangal bilang top grossing stars ng SM sa isang seremonya na magaganap sa SMX .

Samantala, hinihintay pa ng lahat ang magiging pasya ng Guillermo Mendoza, kung sino kina Sarah at AiAi ang tatanghaling reyna ng takilya for 2008. Pero, marami na ang nagsasabing, it’s in the bag na for the Comedy Concert Queen. Katunayan, malapit na nitong maabutan ang kinita ng pelikulang itinuturing na may pinakamalaking kita ng Star Cinema, ang Sukob na pinagsamahan nina Kris Aquino at Claudine Barretto.

Magiging malakas na naman ang laban ni Sarah sa 2010 dahil ipalalabas na sa buwang ito ang sequel ng A Very Special Love, ang You Changed My Life na sila na naman ni John Lloyd ang bida. Mas malakas ang ibibigay na kilig ng sequel dahil magnobyo na rito ang dalawa. Bale continuation ito ng naunang pelikula at kahit teaser pa o music video ang napapanood ay kinukuha na ito para maipalabas nationwide. Will John Lloyd finally get to kiss Sarah?

Ito ang hinihintay ng marami because it will start a pattern for the singing actress. Baka next time magka­roon na siya ng love scene, swerte kung sinuman ang susunod na makapareha niya.

Kinuha naman ni Rayver Cruz ang dating trabaho ni Sarah sa orihinal na pelikula. Sa sequel ay tumaas na ang ranggo sa trabaho ni Sarah, na-promote na siya. Magsisilbi ring bahagi ng love triangle nina Lloydie at Sarah si Rayver.

* * *

Itinanggi ng isa sa mga bossing ng ABS-CBN na itinatapat nila ang promo ng movie nina Sarah at Lloydie sa promo ng pelikula ng isang kapamilya, si KC Concepcion, at Richard Gutierrez, ang When I Met U.

Sinabi nito, talagang nagsisimula na ang promo ng You Changed My Life dahil malapit na ang playdate nito pero bago ito ay ibibigay nila ang buong suporta nila sa ikalawang pelikula nina Richard at KC na tulad nang napagkasunduan nila ng GMA Films na sumuporta rin nung unang magtambal ang dalawa.

Incidentally, maganda ang When I Met U. Puwede palang gumawa ng isang kilig movie si Direk Joel Lamangan. Kahit alam ng lahat na friends lang ang dalawa, very convincing sila sa kanilang mga roles.

Okay din palang purita si KC, akala ko pang mayaman lamang ang role na babagay sa kanya. Masyado lamang siyang mabilis magsalita at masyado siyang magalaw.

Ang galing ni Iya Villania. Sayang at hindi siya masyadong nabibigyan ng ganun kagandang role. I’m sure na hindi yun ang magiging last team up nina KC at Richard, noh!

A VERY SPECIAL LOVE

ANG TANGING INA N

CLAUDINE BARRETTO

COMEDY CONCERT QUEEN

GUILLERMO MENDOZA

IYA VILLANIA

JOEL LAMANGAN

SARAH

WHEN I MET U

YOU CHANGED MY LIFE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with