^

PSN Showbiz

Yasmien 'di na dapat pagdudahan

- Veronica R. Samio -

Kung dati-rati ay pinagdududahan pa ang pagiging vegetarian ni Yasmien Kurdi, katunayan may mga nagbabalita pa na nakikita itong kumakain ng hamburger, ngayon magdadalawang isip na itong magpakitang kumakain ng karne. Bilang endorser ng PETA (People for the Ethical Treatment of Animals) Asia Pacific manghihimok siyang maging vegetarian ang lahat para sa isang mas malusog na pangangatawan at kaisipan.

Dalawang pro-vegetarian ads ang ginawa ni Yasmien na kinunan ng sikat na potograpong si Niccolo Cosme. Sa isa, makikita siya sa loob ng isang kulungan ng manok. 

* * *

May bagong segment ang Wowowee, ang Want More No More, isang question and answer game portion na kung sino ang matira, siya ang may tyansang manalo ng isang jeepney, bahay o isang milyong piso!

Abangan ang kakaiba at puno ng kasiyahan na mga episodes sa January 24 at ang January 24, Dubai episode na mapapanood sa Pebrero 7 kasama ang ating mga Kapamilya sa abroad.

* * *

Magkakaroon naman ng special show sa Casablanca ng Stotsberg Hotel, isang bagong luxury hotel na matatagpuan sa Clark Special Processing Zone sa Angeles City, Pampanga sa Enero 10 ang Crystal Voice of Asia na si Marri Nallos. Makakasama niya sina Juan Rodrigo at Szfariva Dancers. Nasa top hits chart pa rin ang adaptation niya ng Air Supply song na Making Love Out of Nothing at All kahit matagal nang nagwakas sa ere ang My Husband’s Woman ng GMA 7.

Marri hosts the jamming night of Conways Bar ng Makati Shangrila Hotel every Sunday. Every Monday she sings at The Lounge of Hyatt and Casino Hotel in Manila.

Her latest album entitled Marri Nallos, Dahil Mahal Kita is distributed by Sony-BMG Records at available nationwide.

AIR SUPPLY

ANGELES CITY

ASIA PACIFIC

CLARK SPECIAL PROCESSING ZONE

CONWAYS BAR

CRYSTAL VOICE OF ASIA

DAHIL MAHAL KITA

ETHICAL TREATMENT OF ANIMALS

EVERY MONDAY

MARRI NALLOS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with