Milyun-milyon ang regalo sa pasko na, GKNB?
() - December 19, 2008 - 12:00am

Maraming buhay ang mababago simula ngayong linggo sa pagbabalik ng Pasko na, Game KNB, ang taunang Christmas special ng multi-awarded game show na Pilipinas, Game KNB (PGKNB) sa ABS-CBN.

Sa pangunguna ng host na si Edu Manzano, araw-araw ay Pasko hanggang sa susunod na Sabado (Dec. 27) dahil dadagsa ang mga artista at dating winners ng PGKNB upang maglaro para sa P1 milyon jackpot, para tulungan ang 12 benepisaryo mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.

Abangan sina Mark Bautista, William Martinez, Will Devaughn at Enchong Dee kasama ng iba pang mga artista at dating winners na magtu­tunggali ngayong linggo, para sa tsansang makatulong sa mga Kapamilyang nangangailangan.

Sa susunod na linggo, marami pang bituin ang darating upang maglaro at maghatid ng masayang Pasko sa bawat Pilipino.

 Maaga ang Pasko para sa Pilipinas, Game KNB matapos tanghaling Best Game Show sa 2008 Star Awards for TV. Si Edu naman ay ginawaran ng ikalawang sunod na Best Game Show Host award. Nakatanggap din ng Anak TV Seal ang programa bilang isa sa pinaka-child-friendly na palabas sa telebisyon.

 Ang PGKNB ay paraan ng mga bumubuo sa programa na pasalamatan ang mga taga-suporta gayundin ang ipakita ang tunay na diwa ng Pasko – isang panahon ng pagbibigayan at pagmamahalan.

 Huwag palampasin ang bonggang bigayan ng regalo sa Pasko Na, Game KNB, mula Lunes hanggang Sabado sa ABS-CBN.

BEST GAME SHOW BEST GAME SHOW HOST EDU MANZANO ENCHONG DEE MARK BAUTISTA PASKO PASKO NA PILIPINAS SABADO SI EDU
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with