^

PSN Showbiz

Da King bibigyang pugay ang karaniwang Pinoy sa Cinema FPJ

-

Ikaw ang sinasalamin sa kanyang mga obra.

Ikaw ang tunay na bida sa kanyang mga pelikula.

Muling tunghayan ang mga pelikulang tunay na para sa inyo handog ng nag-iisang Hari ng Philippine Cinema, Fernando Poe Jr., ngayong Disyembre sa Cinema FPJ: Da King on ABS-CBN.

Apat na mahuhusay na pagganap at apat na certified blockbuster films ang inyong masasaksihan bilang pagpupugay na rin sa ika-apat na anibersaryo ng pagpanaw ni Da King.

“Mula’t sapul nakaukit na sa puso at diwa ni FPJ ang kapakanan ng kababayan lalo na ang mga maralita. Lahat halos ng paraan ay ginagawa niya matulungan lamang ang mga nangangailangan. Naway manatiling buhay ang pag-asa at diwa ng pagtulong sa puso ng bawat Pilipino,” sabi ng anak ni FPJ na si Grace Poe Llamanzares.

Nauna nang ipalabas noong Dec 6 ang obrang Dito sa Pitong Gatang” kung saan ginampanan ni Da King ang papel na Berting Cayabyab katambal si Nanette Medved.

Ngayong Sabado (Dec 13), tunghayan ang ika-apat at huling aklat ng Panday series sa Ang Panday 4. Balikan ang isa sa pinakatumatak na papel ni Da King bilang si Flavio gamit pa rin ang kanyang mahiwagang espada na kadalasang panlaban sa mga kampon ng kasamaan.

Samantala, panoorin din ang paglalakbay ng apat na bata tungo sa kakaibang mundo ng matapang na mandirigmang si Lawin sa Alamat ng Lawin sa Dec 20.

Magsasama sama naman si FPJ at ang mga batikang aktres na sina Maricel Soriano, Manilyn Reynes, Sheryl Cruz at Tina Paner sa kuwento ng isang kilabot na kawatan sa Batang Quiapo sa (Dec 27).

 Huwag palalampasin tuwing Sabado sa mas pinatindi at bagong bihis na Cinema FPJ: Da King on ABS-CBN, pagka­tapos ng Entertainment Live.

ANG PANDAY

BATANG QUIAPO

BERTING CAYABYAB

DA KING

ENTERTAINMENT LIVE

FERNANDO POE JR.

GRACE POE LLAMANZARES

IKAW

LAWIN

MANILYN REYNES

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with