'Hindi ko sinisiraan si Yasmien'
TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis () - November 3, 2008 - 12:00am

Umabot sa 30% ang rating ng 13th anniversary show ng Bubble Gang kaya tuwang-tuwa ang buong cast.

Dati nang mataas ang rating ng Bubble Gang pero ngayon lang nila naranasan na makakuha ng 30% rating. Pang-primetime ang rating, to think na past 10:00 p.m. na ang timeslot ng number one gag show ng Pilipinas.

Aminado ang Bubble Gang na lalong lumakas ang kanilang show dahil sa mga karakter nina Angelina at Yaya. Kung hindi ninyo knows sina Yaya at Angelina, mga loser kayo. Pero kung si Patani ang magsasabi ng word na loser, louser ang kanyang pronounciation.

Hindi ako magugulat kung mag-guest sa Bubble Gang si Patani dahil siya ang original yaya!

* * *

Tapos na ang taping ng Asero. Nag-last taping day sila noong Biyernes. Ang Zorro ang next project ni Richard Gutierrez pero next year na mapapanood ang kanyang bagong primetime show.

Ready na rin si Robin Padilla sa nalalapit na taping ng Totoy Bato. Panay ang work-out ni Robin para magmukhang bato-bato ang kanyang katawan.

Ganyan ka-passionate si Robin sa trabaho niya, Todo-todo ang kanyang internalization para ma-feel niya ang karakter na gagampanan.

* * *

Nagrereklamo ang fans ni Yasmien Kurdi. Bakit ko raw sinisiraan ang aking sariling alaga?

Never kong siniraan si Yasmien ‘noh! Kung alam ninyo ang mga inside story, maiintindihan ninyo kung bakit ganoon ang mga statement ko tungkol kay Yasmien.

Kung malalaman ninyo ang mga inside story, baka pasalamatan n’yo pa ako dahil malaki ang concern ko kay Yasmien, hindi lamang ang career niya ang pinakikialaman ko.

Kaya sa fans ni Yasmien na nag-e-emote laban sa akin, huwag kayong mag­pa­tangay sa inyong emosyon. Huwag na kayong magtanong kung bakit. Darating ang araw na baka mag-thank you pa kayo sa akin! ‘Yun lang!

* * *

Si JE Sison pala ang young actor na naba-blind item na matagal nang nakakulong dahil nasangkot sa drug case.

Hindi ko masyadong kilala si JE pero natatandaan ko na nabigyan siya ng malaking break sa pelikulang Bikini Open ng Seiko Films.

Talent ng ABS-CBN si JE pero matagal na siyang missing in action. Missing in action dahil nasa loob pala siya ng kulungan. Nakapanghihinayang ang mga young actor na nabigyan ng break sa showbiz pero naging pasaway at pinaka­walan ang suwerte na dumapo sa kanila.

ANG ZORRO BIKINI OPEN BUBBLE GANG KUNG PATANI RICHARD GUTIERREZ ROBIN PADILLA SEIKO FILMS TOTOY BATO YASMIEN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with