^

Paulit-ulit kasi ang suot Marian dapat mag-invest sa damit!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles () - October 28, 2008 - 12:00am

May follow-up tsika kami sa nasulat namin kahapon na engkuwentro ng dalawang aktor sa isang bar. Ang balita namin, isa sa dalawang actors ang nagsumbong sa management ng network kung saan siya nakakontrata sa nangyari sa kanila nang nakabanggang kapwa aktor.

Abangan at hintayin na lang natin ang mga susunod na happenings, pero may feeling kaming mag­kakasundo rin ang two actors. Maliit na bagay ang pinagmulan ng kanilang conflict at ang naka­katawa, pareho silang hindi directly involved sa isyung pinagmulan ng kanilang gusot.

* * *

Pumayag na raw magkaroon ng press visit sa shooting ng One True Love, kaya mamaya, maka­kausap namin ang cast ng movie na kinabi­bila­ngan nina Ding­dong Dantes, Ma­rian Rivera at Iza Calzado. May teaser na ang pelikula na may November 19, play­date at mas maganda nga na­man kung ang cast mis­mo ang magku­ku­wento sa kaganapan ng shoot­ing.

Love story ang tema ng movie sa direksyon ni Mac Alejandre at nilinaw na ng GMA Films at Regal Entertainment na hindi kontrabida ang role dito ni Iza, pero kahit ang actress, aminadong mas maraming kilig scenes sina Marian at Dingdong.

Samantala, may concerned fan si Marian na nag-email sa amin at may mga payo siya sa actress na sana hindi nito ika-offend. Payo ng fan, mag-invest si Marian sa damit para hindi paulit-ulit ang kanyang isinusuot.

Ang payo number two nito, ang mga naisuot na ni Marian sa Marimar, Dyesebel, TV guesting at shows abroad ay ’wag nang gamitin sa One True Love, Desperadas 2 at Shake, Rattle & Roll X para hindi siya pintasan ng mga fans ng ibang artista.

* * *

Galing kay Danny Vibas mismo ang pagsa­sabing nag-apologize si direk Tikoy Aguiluz after sa nangyari sa kanya. Heto ang complete mes­sage ni Danny sa mga nagtatanong kung ano tala­ga ang nangyari sa kanila ng direktor sa Jury’s Of­fice sa Gateway Cineplex kung saan ginagawa ang 10th Cinemanila International Film Festival.

Sabi ni Danny: “Sinuntok ako ni Tikoy for a story I wrote abt Cinemanila 3 years ago for the Manila Times. My mouth bled, but am ok. I went home straight after d incident. Tikoy has apologized.”

Hindi yata magpapa-interview si direk Tikoy sa nangyari kaya hindi natin malalaman ang side niya. Hopefully, sa maganda at sa pagkakaayos nila matapos ang isyung ito.

Habang tinatapos namin ang kolum na ito, may nag-forward sa amin ng text message uli from Danny. Sabi nito: “Tikoy n Nestor Cuartero want to meet me tonyt to apologize.”

* * *

May chemistry pala sina Maxene Magalona at Wendell Ramos at napansin din siguro ito ng mga televiewers ng Una Kang Naging Akin at isa ito sa mga rason kung bakit sinusubaybayan ang afternoon soap ng GMA 7 at mataas ang ratings.

Gusto rin ng viewers ang istorya ng soap and this Tuesday, tanggap na kunwari ni Vanessa (Angelika dela Cruz) ang pagkatalo kay Jessa (Maxene) dahil kailangan daw ng anak nila ni Nick (Wendell) ang ama. Galit kay Jessa ang ina ni Vanessa sa pag-aakalang inagaw nito ang asawa ng anak.

Mag-aaway naman sina Jessa at Liway (LJ Reyes) nang saktan ng huli si baby Darwin. Ha­bang nagpapalamig sa sama ng loob, may biglang hu­mampas sa ulo ni Liway at nawalan ito ng ma­lay. Kasunod noon, bigla na lang siyang nawala.

CINEMANILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL DANNY VIBAS GATEWAY CINEPLEX IZA CALZADO JESSA LIWAY ONE TRUE LOVE SHY TIKOY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with