Nadia nakakabilib!
TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis () - September 29, 2008 - 12:00am

Bumilib ako kay Nadia Montenegro nang umapir siya sa Startalk noong Sabado. Hindi ko ine-expect na ang husay-husay niyang magsalita. May kinala­man kaya ang mantika?

Tinatawanan na lang ni Nadia ang mga mantika joke pero napaiyak siya nang mapag-usapan ang kanyang pamilya.

Wala na sanang balak si Nadia na patulan ang mga patutsada ni Mommy Rose Flaminiano pero ang kanyang ‘Theart’ ang nagsabi sa kanya na ipagtang­gol ang sarili niya.

The who si Theart? Eh di si Papa Boy Asistio na dating mayor ng Kalookan City!  Na-hurt si Nadia dahil 72 years old na raw ang asawa niya pero idinadamay ito sa mga isyu na wala siyang kinalaman.

Nabulol-bulol nga si Nadia. Rose lang ang address niya kay Mommy Rose pero nababanggit pa  niya ang Mommy kaya natatawa siya.

Naintindihan ko ang pagtanggi ni Nadia na huwag magsalita tungkol sa away nila ni Gretchen.

Dating matalik na magkaibigan ang dalawa. Na-feel ko na type pa rin ni Nadia na magkasundo uli sila ni Greta kaya hindi siya nagbigay ng message. Malalim ang pinagsamahan nina  Gretchen at Nadia kaya nasaktan ito sa nangyari sa kanilang friendship.

* * *

Bumalik ako sa burol ni Daddy Rollie Concepcion noong Sabado. Kauumpisa pa lang ng misa nang dumating ako.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan habang nagmimisa ang pari. Nakita ko sa chapel si Manang Inday (Susan Roces) at si Sheryl Cruz na malapit nang bumalik sa Kapuso network.

Ipinakilala sa akin ni Gabby ang kanyang misis na si Ginbee. Dati ko nang nakikita si Ginbee dahil madalas siyang pumunta sa bahay nina Gabby noong high school student pa siya. Matagal nang magkakilala sina Ginbee at Gabby. Destiny talaga nila na sila ang magkatuluyan.

* * *

Hindi ko napanood ang concert ni Ogie Alcasid sa Araneta Coliseum noong Sabado pero na-sight ko ang mahabang pila ng mga tao.

Kumain ako sa Cafe Bola at  nasa area lang ito ng Araneta Coliseum. Nag-abot kami ni Mama Wilma Galvante sa restaurant.

Hindi na ako nanood ng concert ni Ogie. Nagpunta na lang ako sa birthday party ni Clara Galvante sa Jimmy’s Grill sa Timog. Happy birthday Clara!

* * *

I’m sure, na-excite si Ara Mina nang tumuntong ito sa GMA 7 kahapon. Matagal nang hindi pumupunta sa Kapuso network si Ara mula nang mag-ober da bakod siya sa ABS-CBN.

Eh invited siya sa SOP para sa 48th anniversary ng Regal Entertainment Inc. Kasama si Ara sa mga kumanta ng Through The Years para kay Mother Lily Monteverde.

Favorite ko ang Through The Years kaya na-appreciate ko at naka-relate ako sa production number itsurang naunang rumampa sa stage si Rufa Mae Quinto at naiwan niya si Katrina Halili.

Ano kaya ang na-feel ni Katrina nang i-beso niya si Mother?  Nag-dialogue noon si Mother Lily na hindi pa puwedeng gumawa si Katrina ng pelikula sa ibang movie production dahil hindi pa tapos ang kontrata niya sa Regal.

Kahapon lang nagkita sina Mother Lily at Katrina mula nang maglitanya si Mother.  Si Mother ang produ ng Gigil, ang launching movie noon ni Katrina.

AKO ARA MINA ARANETA COLISEUM CAFE BOLA GINBEE MOTHER LILY NADIA NANG SABADO THROUGH THE YEARS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with