^

PSN Showbiz

Actress kating-kati kay Josh Groban

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Matitigil na siguro ang paghuhulaan kung lilipat sa ABS-CBN si Cristine Reyes by February, dahil sinabi na nitong mananatili siya sa GMA-7, habang may kontrata pa siya sa istasyon. Ibang usapan at negosasyon na nga naman ‘pag nagtapos ang kontrata niya sa GMA Artist Center after one year.

“Dito pa rin ako at ‘di ako puwedeng pumunta sa iba hangga’t may contract ako sa GMA. Hindi pa rin ako pumirma sa ABS,” paglilinaw ni Cristine.

Sumulat ang GMAAC head na si Ms. Ida Hena­res sa ABS-CBN para ipaalam na sila ang may option to renew Cristine’s contract. Obvious na naka­rating sa kanya ang tsikang interesado ang Dos sa young actress at nasulat pa ngang may kino-conceptualize ng show para rito kasama sina Anne Curtis at Iya Villania.

Sa sinabi ni Cristine na Kapuso talent pa rin siya, masisimulan na siguro ang paghahanda sa soap niya, kapalit nang tinanggihang Joaquin Bordado. Sabi’y ang TV remake ng Eva Fonda 16 ang gagawin nito, pero wala pang kum­pirmasyon sa Ch. 7.

* * *

Tuwang-tuwa siguro ang isang actress sa balitang babalik si Josh Groban dito for more concerts. Maipagpapatuloy na niya ang pag-i-stalk sa foreign singer na ginawa niya the first time he was here.

Hindi lang pinanood ng actress ang concert sa PICC ni Groban, nag-istambay din ito sa hotel kung saan ito naka-billet para lang makita ito. Pati sa The Embassy, sumugod din ang actress nang malamang naroon ang singer. Hindi lang daw fan ng singer ang actress, matindi rin yata ang crush at ginustong makilala ng personal si Groban.

Kung hindi nagtagumpay ang actress na makipag-kilala kay Groban the first time, tiyak na uulitin nito ang gimik pagbalik ng singer. Dahil more shows daw ang gagawin dito, ibig sabihin magtatagal ang singer dito, mas may oras na ang actress na makilala siya finally.

* * *

Kasama si Eula Valdez sa suspense-horror-drama series ng GMA-7 na papalit sa iniwang time slot ng Magpakailanman, pero special parti­cipation lang ang actress. Baka hindi kasama ang project sa pinirmahang two shows sa istasyon.

Nasa kontrata rin ni Eula na gagawa siya ng pelikula sa GMA Films, but as of today, wala pa kaming nababalitaang gagawin niyang pelikula. Ang hinihintay ng viewers ay ang pagsamahin sila ni Jean Garcia sa isang serye, pero wala pa yatang nakaplano.

Si Iza Calzado ang bida sa wala pang title na suspense-horror-drama series at makakasama niya sina Francine Prieto, Alfred Vargas, Noni Buencamino, Marco Alcaraz, Paolo Paraiso at Pen Medina. Madugo raw ang series na ito’t three days kukunan ang pilot episode at mala-pelikula ang paghahanda.

ACTRESS

ALFRED VARGAS

ANNE CURTIS

ARTIST CENTER

CRISTINE

CRISTINE REYES

GROBAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with