Road manager ni Regine, nanabig ng TV reporter!
TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis () - May 30, 2007 - 12:00am

Hindi totoo na ti­nalak-talakan o minura si Pia Guanio ng road manager ni Regine Velasquez nang mag-guest ito sa Showbiz Central noong Linggo.

Kumalat noong Lu­nes ang balita na ti­nalakan daw si Pia ng road manager ni Re­gine dahil nagtanong siya tungkol kay Ogie Alcasid nang umapir sina Regine at Piolo Pascual sa Showbiz Central para i-promote ang kanilang pelikula.

Takang-taka si Pia dahil walang ganoong insidente na nangyari at clueless siya kung sino ang nag-umpisa ng tsismis.

Si Pia, matatalakan mo? Ano ba ang ma­sama sa pagtata­nong niya tungkol sa pag­hahalikan nina Regine at Ogie sa concert nito sa Music Museum eh totoo naman na nag­tukaan ang da­lawa?

Hindi maganda para kay Regine ang ku­makalat na tsismis dahil siya ang nagiging nega at hindi ang kanyang road manager na Maru ang pangalan.

Alam n’yo ba kung ano ang totoo? Tinabig ni Maru ang Startalk reporter na si Gorgy Rula nang subukan nitong interbyuhin si Re­gine habang papa­labas sa studio ng SOP noong Linggo.

Pinagsabihan ko nga si Gorgy kung bakit siya pumayag na ta­bigin ng road manager ni Regine? Puwede naman siyang paki­usapan na huwag in­terbyuhin si Regine, bakit kailangan pa na magkaroon ng tabigan portion?

Knowing Gorgy, nagpasensya ito pero kung ako ang tinabig ni Maru, daaay, ihaham­pas ko sa kanya ang kamera para makita niya ang hinahanap niya! Wala siyang ka­rapatang maging ba­yolente ‘noh!

Kung nagagawa ni Maru na tabigin ang mga miyembro ng media, puwede rin niyang gawin ‘yon sa ordi­naryong fans ni Re­gine!

* * *

Nasa cloud 9 ang pakiramdam ni Aiai delas Alas dahil pinu­puri ng madlang-bayan ang billboard niya para sa Belo Medical Group.

Tuwang-tuwa nga raw pati ang mga anak ni Aiai dahil seksing-seksi sa billboard ang kanilang mother dear.

Si Dra. Vicki Belo ang may kagagawan kaya nagmumura ang sexy body ni Aiai.

August 2006 nang pumayag si Aiai na gawin sa kanya ni Dra. Belo ang Smartlipo procedure at hindi raw siya nagsisi dahil ki­tang-kita ang ebiden­sya, lumiit ang kan­yang mga braso at puson.

Naranasan na ni Aiai na magpahigop ng taba sa katawan noong 2001 pero traditional liposuction at hindi Smartlipo ang ginawa sa kanya. Mas gusto raw niya ang Smartlipo dahil hindi ito masakit at mas mabilis ang recovery period.

* * *

Birthday kahapon ng Seiko Films produ na si Robbie Tan at happy siya dahil ma­gandang birthday gift ang R13 classification na ibinigay ng MTRCB sa Silip.

Kararating lang ni Robbie mula sa Can­nes Film Festival. Ang sey niya, mainit ang naging pagtanggap ng audience sa Foster Child, ang pelikula ng Seiko Films na ipina­labas sa Directors Forthnight.

Hindi pa masabi ni Robbie kung kailan ang playdate sa ating bayang magiliw ng Foster Child na sigu­radong ipalalabas din sa ibang mga international film festival.

* * *

Nagpainterbyu si Dennis Padilla kay Papa Ricky Lo noong Lunes ng gabi at ipa­lalabas mamayang gabi sa Ricky Lo Ex­clusives sa QTV 11 ang kanilang kuwen­tuhan.

Siyempre, tungkol sa paghihiwalay nila ni Marjorie Barretto ang ikinuwento ni Dennis kay Papa Ricky.

Sinabi kaya ni Dennis ang tunay na da­hilan ng paghihiwalay nila ni Marjorie? Nag­karoon kaya siya ng lakas ng loob na sabi­hin ang pangalan ng mayor na nali-link sa kanyang asawa pero kapwa nila idinenay?

Watch natin ma­maya ang Ricky Lo Exclusives para ating malaman ang buong katotohanan mula mis­mo kay Dennis.

 

AIAI DAHIL FOSTER CHILD SEIKO FILMS SHOWBIZ CENTRAL SHY SMARTLIPO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with