Mga regalo ni Dra Vicki Belo, isinosoli ng mga binigyan niya!
() - January 23, 2007 - 12:00am
Gaano katotoo ang tsika sa amin ng taga-GMA 7 na malaki ang lugi ng telefantasyang Atlantika ni Dingdong Dantes?

"Buti naman at matatapos na, sobrang laki kasi ng production cost, hindi naman nabawi kasi hindi naman ganun karami ang load, malaki ang lugi. Pati sa ratings game, hindi rin impressive," eksaktong say sa amin.

Tanda nga namin ay may feng shui expert pang nagsabi na hindi maganda ang billboard ng Atlantika na nasa Edsa dahil malas daw ‘yung tubig bukod pa sa nakatingala pa ang kuha ng mga bida na parang nalulunod ang dating.

"Kaya nga ang running joke sa GMA, Atlantika di lumutang at nalunod sa ratings game," tsika pa sa amin.

Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay walang project si Dingdong sa GMA Films for the year 2007 at Starstruck Next Level at SOP lang ang regular shows niya sa telebisyon?
* * *
Sa programang Oh No! It’s Johnny ni Johnny Litton pala nakilala ang beauty expert na si Dra. Vicki Belo at aminado siyang malaki ang utang na loob niya sa mahusay na tv host dahil kung hindi sa kanya ay hindi ganun kalaki ang exposure niya sa showbiz.

Nabanggit ni Mr. Litton na unang kita palang daw niya kay Dra. Belo ay may napansin na siyang kakaibang appeal nito kaya isinama niya ito sa segment ng co-host niyang si Maurice Arcache na nang-ookray ng kung anik-anik na topic.

Hindi rin daw ganun ka-seksi pa ang head ng Belo Medical Group dahil voluptuous body pa ito na parati niyang binibiro at that time.

At marahil sa mga birong ‘yun ay na-challenge si Dra. Belo na magtayo ng beauty clinic para sa mga gustong magpaganda at for 17 years ay naka-7 branches na ito at iba pa ang salon para naman sa men’s exclusive.

Samantala, in-award-an si Dra. Belo ni Thermage International Vice-President for International Sales, Mr. Gary Wilson ang Most Thermage cases worldwide for the year 2006 dahil for over 2,000 physicians mula sa US, Europe and Asia ay ang huling bansa ang top honors at ang Belo Medical Group ang nanguna.

Anyway, ayaw nang pag-usapan ng kontrobersyal na beauty expert ang isyung pagsosoli ng regalo niyang bag nina Nina Corpuz at Bernadette Sembrano, pero inamin niyang masama ang loob niya dahil bukal daw sa loob niya ang pagbibigay tapos isinoli pa. – REGGEE BONOAN

ATLANTIKA BELO BELO MEDICAL GROUP BERNADETTE SEMBRANO DINGDONG DANTES DRA EUROPE AND ASIA INTERNATIONAL SALES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with