Ang Pasko ay para sa mga bata, lalo na sa may sakit
() - October 10, 2006 - 12:00am
Nagkaro’n ng maagang Pasko ang mga suki ng Shangri-La Mall nung Linggo nang mag-launch dun ng kanilang 15th album ang pamosong grupo na The CompanY (Sweet Plantado, Annie Quintos, Cecile Bautista, Jay Marquez at Moy Ortiz) ng kanilang "The Christmas Album" mula sa Viva Records. Bukod sa napakagagandang selection na matatagpuan sa loob ng CD ("Deck The Hall!", "Ill Be Home For Christmas", "Mamacita, Donde Esta Santa Claus", "Little Drummer Boy", at marami pang iba) may magandang layunin para bilhin n’yo ang album– bahagi ng kikitain nito ay mapupunta sa mga kabataang may pediatric cancer of kaya ibang chronic illnesses. Kung gusto n’yo pang mas makatulong bukod sa pagbili ng album, tawag lang sa Kythe 3763454/0918-9072094.

Ang galing talaga ng The CompanY, kahit ang pinaka-simpleng mga awitin ay talagang napapaganda nila at nabibigyan ng kakaibang areglo. Nasa SM Southmall sila sa Nob. 5; SM Fairview, Nob. 19; Mall of Asia, Nov. 26, The Block, Dis. 1 at Podium, Dis. 10.
* * *
Sa mga kabanata sa linggong ito ng Atlantika, malaki ang poko kay Amaya na darating ng Atlantika. Mamamangha ang taga-Atlantika sa kanyang anyo, kukutyain siya ni Piranus pero ipagtatanggol siya ni Aquano. Ihahayag naman sa kanya ni Tentakulo ang kasaysayan ng kaharian sa ilalim ng dagat.

Mahuhulog ang loob kay Amaya ng Reyna na ipagseselos naman ni Ruana.

Lalabas ang pambihirang kapangyarihan ni Amaya na kapag umaawit ay nayayanig ang Atlantika. Papatawan ng kaparusahan si Amaya ng konseho, kapalit ang kaligtasan ng buong Atlantika. Masasaksihan ito ng Atlantika. Magawa kayang matulungan ng maraming magtatangkang iligtas si Amaya? –VERONICA R. SAMIO

AMAYA ANNIE QUINTOS ATLANTIKA CECILE BAUTISTA CHRISTMAS ALBUM DECK THE HALL DONDE ESTA SANTA CLAUS DRUMMER BOY ILL BE HOME FOR CHRISTMAS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with