^

PSN Showbiz

Parang artista na rin ang mga doktor, naglalabanan na rin sila sa telebisyon!

- Veronica R. Samio -
Pabor sa maraming TV viewers ang pagkakaro’n ng maraming health shows. Sa sobrang mahal ng medical check-ups and consultations, maari na silang dumepende sa TV para sa mga simpleng karamdaman, kung paano gamutin ito at kung paano maiiwasan.

Di ako nagtataka na naka-second season na ang show ng kaibigan kong doktor na si Gary Sy na napapanood kasama si Amy Perez tuwing Sabado, 11:30 NU-12NT sa RPN9, sa programa nitong KTV (Kalusugan sa TV). Kahit na wala sa TV ay marami itong sakit na nalulunasan at pasyente na napapagaling, yun pa kayang regular siyang nakikitang nagbibigay ng health tips sa TV?

Para sa second season ng KTV, si Direk Boots Plata na ang magdi-direk. Isa itong arthritis at diabetes patient na natulungan din sa kanyang sakit ng librong Gabay sa Kalusugan ni Dr. Sy.

Sa bawat episode ng KTV, ipinapakita ang causes, symptoms at solutions ng isang sakit. Ang mga impormasyon ay ibinibigay sa audience sa pamamagitan ng isang talakayan nina Dr. Sy at Amy, sa una ang point of view ng isang eksperto at ang ikalawa naman, ang nagsisilbing kinatawan ng layman.

Ang mga susunod na topics sa show ay ang tungkol sa peptic ulcer, menopause at alternative medicine gaya ng aromatherapy, acupuncture, chiropractic medicine at chelation therapy.

Si Dr. Sy ay isa nang fellow ng American Geriatric Society. Dagdag sa napaka-habang credentials ng award winning medical broadcaster (DZRH, DZMM), health columnist (Manila Bulletin, People’s Tonight, Biz News Asia Mag), at best selling book author ay ang pagiging director ng Life Extension Medical Center at VP ng Philippines & United Senior Citizens Assoc.
* * *
Ibang tema naman ang Ok Kay Doc program ni Dr. Rey Salinel na mapapanood sa QTV11 simula sa Sabado, July 8, 8-8:30 NU. Dito ituturo kung papaano magkakaro’n ng isang healthy lifestyle sa kabila ng patuloy na pagtaas ng uri ng pamumuhay ng Pilipino.

Dalawa ang magiging co-host ni Dr. Salinel, si Giselle Sanchez na ihahayag ang kanyang sikreto sa mga housewives and mothers, kung paano magkakaro’n ng fit and beautiful body sa kanyang segment na "Fit room". Second co-host si Marco Alcaraz na siyang hahawak ng "Liver Care with Liver Aide". Ang dalawang nasabing segments ay sponsored ng Fitrium at Liver Aide.

Padadaliin naman ni Dr. Salinel ang mga ibabato sa kanyang health questions dahil sasagutin niya ang mga ito sa mga salitang maiintindihan ng mga karaniwang tao.

Sa Ok Kay Doc, tatangkain ng tatlo na itaas ang antas ng buhay sa pamamagitan ng pagkakaro’n ng malusog at affordable lifestyle.
* * *
[email protected]

AMERICAN GERIATRIC SOCIETY

AMY PEREZ

BIZ NEWS ASIA MAG

DIREK BOOTS PLATA

DR. REY SALINEL

DR. SALINEL

DR. SY

LIVER AIDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with