Ke pintasan mo siya o purihin, pareho lang kay Rufa Mae!
() - June 8, 2006 - 12:00am
Tinawagan kami ng taga-GMA 7 para tanungin kung mawawala na ba ang Home Boy ni Boy Abunda dahil base sa napanood nila last week ay tila desperado na raw ang nabanggit na programa dahil pinagsayaw daw nila ng tinikling ang host ng HB kasama ang aso.

"Degrading na ‘yun on the part of Boy, imagine tinitingala siyang host, tapos ganu’n ang pinagawa sa kanya, iisa ibig sabihin no’n binigyan siya ng warning para mag-rate or else, tsugi na.

"Kaya siguro ka-cheapan ang ginawa, at kinopya ang formula ng Sis, huh?  Di ba pinagtatawanan nila ‘yung programa?" pahayag sa amin.

Few weeks ago ay nasulat na naming hindi pa mawawala ang programa, according to Boy mismo at ‘hindi’ na rin daw sila affected sa ratings game as long as kumikita ang show at maganda ang feedbacks ay okey na.

At last Monday na ginaya nga raw ang formula ng Sis na ang episode ng Home Boy ay ‘debate’ ng mga lalaki vs babae vs gays at panalo after so many months ang HB sa rating na 10.1% over 9.7% naman ang Sis.

At kung degrading ang tingin ng taga-Siete sa bagong concept ng Home Boy, okey na rin dahil nag-rate sila.

Ibig sabihin, matagal nang degraded ang hosts ng Sis dahil sa perya concept nila?

"Okey lang ‘yung tatlong hosts, hindi naman sila ideal hosts tulad ni Boy," mabilis na sagot sa amin.
* * *
Nanghihinayang si Rufa Mae Quinto dahil hindi na mapupunta sa kanya ang ZsaZsa Zaturnah movie ng Regal Entertainment dahil nga hindi magkasundo ang sked niya sa shooting sked na gusto ni Mother Lily Monteverde.

Ang sure na pelikulang pang filmfestival ni Rufa Mae ay ang Short Time na istorya tungkol sa motel.

"Hindi ko pa nga alam kung sinu-sino ang kasama ko ro’n.  May iba pa nga akong gagawin daw, hindi ko rin alam kung alin ang matutuloy sa kanila," saad ng sexy comedienne na tatawagin naming bombshell concert queen.

Hindi man nagustuhan ng ibang nakapanood ang first ever concert ni Rufa Mae ay wala siya care dahil katwiran niya ay kumita ito at may repeat pa at higit sa lahat, nakagawa siya ng record sa Aliw theater dahil isa ang concert niya sa record breaker.

At pati sa tv coverage ay record breaker din ang Bombshell Unleashed ni Rufa Mae dahil nakakalat ang 11 tv cameras sa harapan niya na akala mo ay certified concert artist ang iko-cover, "Kaya paano ako makakakilos, e, lahat ng gagawin ko, makukunan ng kamera?

"Nanigas na ako ro’n, ninerbyos pa ako, marami pang palpak na nangyari before the show kaya paano ako makakapag-perform no’n?" tanong pa ni Pichi sa amin.

Paanong hindi mo mamahalin ang isang Rufa Mae Quinto, kesehodang isulat mo siya ng hindi maganda ay marunong pa rin siyang maglambing at magpasalamat dahil katwiran niya, "Ke negative o positive ang nasulat, nakakatulong pa rin ‘yun sa isang artista."

Kaya naman marami siyang pinasalamatan sa thank you presscon niya para sa nabanggit na concert. — REGGEE BONOAN

BOMBSHELL UNLEASHED BOY BOY ABUNDA DAHIL HOME BOY KAYA RUFA MAE RUFA MAE QUINTO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with