Boy Abunda, tutol sa gagawing pagpapakasal ni Aiai sa boyfriend niya
() - May 21, 2006 - 12:00am
Mismong ang host na ng Home Boy na si Boy Abunda ang nagsabing hindi matsu-tsugi ang programa niyang pang-umaga dahil nga maganda ang feedback nito sa viewers at maganda rin ang reviews sa bawa’t episode niya.

Matagal na raw naririnig ni Boy na mawawala na nga ang programa niya dahil talo ito parati sa ratings game, pero hindi na raw doon ibinabase as long as maganda ang feedbacks from viewers at kumikita.

"Hindi mawawala ang Home Boy or I should say, hindi pa sa ngayon, do’n sa mga nagsasabing matsu-tsugi na siya, hayaan na lang nila, huwag na nilang pakialaman ang show ko kung hindi nila gusto," nakangiting paliwanag ng mahusay na tv host.

Kapansin-pansin ang biglaang pagpayat ni Boy, duda tuloy ng iba ay nagpa-liposuction ito kay Dra. Vicki Belo at ayaw lang niyang ipagsabi di tulad nina Keanna Reeves, Kris Aquino, Ara Mina, Zsazsa Padilla at iba pang kilalang personalidad sa showbiz.

"No, hindi ako dumaan sa ganun dahil takot ako, takot din ako sa side effects kaya hindi ako umiinom ng anumang diet pill, until I discovered this Xando tablet that blocks carbohydrates, starch, sugar and fat. Madali lang, before meal, iinom ako ng two tablets, heto na ang result, I lost more than 10 pounds, nawala na rin ang tiyan ko," esplika ng ka-tandem ni Kris Aquino sa pagpapayat.

Pero ang advise ni Boy bago raw uminom ng Xando tablet ay magpa-konsulta muna sa doktor baka raw hindi kaya ng body system.

Isa pang klinaro ni Boy ang sinabi ni Aiai de las Alas na pinigilan siya ng manager niya sa planong kasal nila ng 22-year old boyfriend niyang si Jun Hinahon last May 6.

"Totoo yun, ako ang pumigil sa kanya, dapat mag-isip muna siya bago niya gawin yun. At kung nagawa ko siyang pigilan sa una, maari ko uling gawin sa pangalawa, sa pangatlo hanggang sa makinig siya sa akin," deretsong katwiran ng manager ng Comedy Concert Queen na kasalukuyang nagso-show sa ibang bansa kasama sina Regine Velasquez, Rico J. Puno at Ogie Alcasid.

Ang tanong, papigil kaya si Aiai, e, sabi nito sa mensaheng ipinadala sa amin recently ay hindi na siya papipigil sa pag-uwi niya next month dahil nakatakda na ang kasal nila ni Jun ng September o November.
* * *
Nagpapatulong si Cris Dizon, secretary ni Joy Cancio sa concert ng Sexbomb Singers sa Lunes, May 22 na gaganapin sa Metro Bar, West Avenue, Quezon City, 9NG.

Ang mga guest ay sina Joshua Zamora at Alfred Vargas at mura lang daw ang tickets sa halagang P350 per head.

Bukod dito ay may Fan’s Day pa ang naturang grupo sa May 31, Wednesday sa UP Theater, 4NH at open ito sa lahat ng loyal supporters ng Sexbomb girls at marami raw ipamimigay na giveaways.
* * *
Excited na ang alaga ni tita Becky Aguila na si Empress Schuck dahil ilang araw na lang at ipapalabas na ang Super Inggo na isa siya sa lead stars bilang si Ava Avaniko.

Bagama’t pawang mga baguhan daw lahat ang bida ay naniniwala siyang magugustuhan ito ng mga bata dahil kakaiba raw ang fighting stunts nila.

Although aminado rin ang youngster na kabado siya sa makakatapat ng Super Inggo na programa sa GMA 7 na balita nga niya ay ang Captain Barbell ni Richard Gutierrez ay optimistic din siyang hindi naman sila totally matatalo.

"Mga kids din po ang market namin, sana hindi na lang pareho ng timeslot," sabi ng bagets nung makita namin sa concert ni Jennylyn Mercado last week. — Reggee Bonoan

AIAI ALFRED VARGAS ARA MINA AVA AVANIKO BECKY AGUILA HOME BOY KRIS AQUINO SUPER INGGO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with