‘Astig ng Davao’, pinalayas sa Bahay ni Kuya!
() - May 5, 2006 - 12:00am
Sinagot ni Ara Mina ang nasulat sa isang tabloid (hindi sa PSN) na masama ang loob niya kay Dra. Vicki Belo dahil pinalitan na ang Belo billboard niya sa Guadalupe, Edsa ng billboard naman ni Zsazsa Padilla na super sexy talaga.

May nagpakalat daw sa text messaging na sinabi raw ni Ara sa isang non-showbiz friend niya na masama ang loob niya sa naturang doktora dahil nga pinapalitan na ang maganda niyang billboard.

Pakiusap ni Ara sa amin na isulat namin ang side niya dahil nahihiya siya kay Dra. Belo, "Hindi totoo yun, bakit naman sasama ang loob ko, e, bago naman pinapalitan ni Dra. Belo yung billboard ko ay nagsabi na siya sa akin at saka alam kong may kontrata yun.

"Aminado ako na may nakausap akong non-showbiz friends at nabanggit ko nga na papalitan na ang billboard ko sa Edsa, pero wala akong sinabing masama ang loob ko. E, alam mo na, pag nagpasalin-salin ang kwento, naiiba na.

"At saka, hindi maaring sumama ang loob ko kasi ang laki-laki ng nagawa sa akin ni Dra. Belo, dahil sa billboard na yun, maraming bumati sa akin, ang ganda raw ng katawan ko ngayon, si Ate Sharon (Cuneta) nga, tumawag din para sabihing maganda yung billboard ko.

"Malaki ang utang na loob ko kay Dra. Belo, hinding-hindi pupwedeng sumama ang loob ko sa kanya, ang laki ng nagawa niya sa akin, at saka malalim na ang friendship namin kaya hindi yun basta masisira o kayang sirain ng iba.

"Paki-klaro naman ate Reggs kasi nakakahiya kay Dra. Belo, walang ganun at maski na may mag-alok pa sa aking malaking pera para lang lumipat, hindi ko gagawin yun, maski na hindi na ako endorser ng Belo Medical Group," mahabang paliwanag ng aktres.
* * *
Sikat pa rin talaga ang grupong Sexbomb Girls ni Joy Cancio maski na hindi na sila napapanood sa Eat Bulaga dahil halos lahat nang nagsusulputang bagong grupo ng female singers ay ang mga alaga ni Joy ang gustong sundan ng yapak.

At may pangtapat na ang kilala at mahusay na kompositor na si Vehnee Saturno sa Sexbomb Girls at tinawag niyang Morning Girls na may album na rin at ang carrier single ay "Di Ko Aaminin" at kasama rin ang Japanese popular song na "Majimeninarenainonara" under Cherry Blossom Recording Company.

Sa ibang bansa muna ang target market ni Vehnee dahil mas madali raw i-promote ang album kaysa rito sa Pilipinas dahil maraming baguhang singers dito at tiyak na hindi kaagad mapapansin ang Morning Girls.

"At least sa ibang bansa, iilan lang ang pumapasa sa panlasa ng mahihilig sa musika, ang panlaban ng album ng Morning Girls ay may Japanese song sila at yung iba ay may translation din ng salitang hapon, e, malaking bentahe ito sa Japan," say naman ng publicist nilang sina Sam at Adjes.

At ang pahayag ng Morning Girls na binubuo nina Emma Bagnol, Edralyn Foores, Jessa Alaba, Jocelyn Carcallas, Rowena Calda, Christine Recana, An-An Enoraba at Stephaner Buta ay sikat na sila sa out of town dahil puro jampacked ang mga shows nila at sunud-sunod pa ang kanilang mall tour tulad sa Isetann Mall, Recto at Sunshine Plaza Mall.
* * *
Sa wakas, pinalayas na ni Big Brother ang astig niyang boarder na si Mikki last Wednesday night kaya naman natuwa marahil ang mga bumoto sa tinaguriang "astig ng Davao" dahil hindi na sila makakarinig ng mga nakakairitang comments from her.

At marahil ay alam na ni Mikki na siya ang unang evictee sa PBB Teen Edition dahil hindi man lang siya nakitaan ng lungkot nung lisanin niya ang Bahay ni Kuya instead, ipinakita niyang cool siya at hindi talunan.

In fairness, hindi nga talunan ang hitad dahil magaganda ang consolation prizes niya tulad ng merchandise showcase galing sa Promac, gift certificate for two patungong Boracay courtesy of Sea Air in cooperation with NAITAS, franchise ng Everithing Online Internet Plus powered ng Red Fox at 4-year scholarship grant mula sa AMA Educational System.

Samantala, sino naman kaya kina Olyn at Niña ang susunod sa yapak ni Mikki bukas, Sabado bilang 2nd evictee? Marami ang humuhulang si Olyn dahil siya ang nakasagutan ni Mikki sa loob ng tatlong araw nilang pag-stay sa Bahay ni Kuya.

Anyway, mukhang hindi feel ng fans ang pagiging tamad at walang talent ni Gerald kumpara sa iba niyang housemates. Sayang nga naman ang pagiging guwapo’t matangkad kung wala naman siyang ipinapakitang talento, another Zanjoe Marudo ba ito? Reggee Bonoan

BELO DAHIL DRA LOOB MIKKI MORNING GIRLS NAMAN NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with