^

PSN Showbiz

Jason, lamang na sa PBB!

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Nabasa ng management ng Dencio’s Grill ang nasulat ko tungkol sa ‘di magandang experience ko sa isa nilang branch. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Ms. Dinah Domingo (restaurant manager) at gusto raw nilang personally mag-apologize sa akin. Kasama ni Dinah ay si Paul Anthony Gan (senior operations manager) at Cris Ibasco (area manager) ng Dencio’s.

Very apologetic sila sa nangyari sa amin. Ang sa akin kasi, hindi ko rin naman gustong isulat pa ang nangyari sa amin. Pero kailangan kong gawin para matuto ang ibang tao. Naintindihan nila ang sentiments ko.

In fairness din sa Dencio’s, in the many occasions na nagpupunta ako, hindi naman ako naka-experience ng pangit na serbisyo. It was only that particular Friday night na talagang hindi kagandahan ang experience namin ng mga kasama ko.

Ang na-appreciate ko lang sa management ng Dencio’s ay ang effort na personal na mag-apologize. Nangako sila na hindi na muling mangyayari ang nasabing insidente, hindi lang sa akin o sa mga kasama ko kundi sa lahat ng mga tumatangkilik sa Dencio’s.
* * *
Habang nasa Window’s Cafe ako kamakalawa, bumulaga sa akin si Mickey Ferriols kasama si Archie Alemania. Ang laki-laki na ni Mickey. Pero ang ganda pa rin. She is due next month.

"Mga December 22 onwards, lalabas na ang baby namin," sabi ni Mickey.

Ipinakita ng dalawa ang photo ng ultrasound test ng kanilang baby. Kamukha ni Archie ang baby. Very prominent ang matangos nitong ilong.

Brent Marcus ang ipapangalan nila sa baby. Excited na si Mickey sa kanilang first baby.

Madalas na nasa bahay lang si Mickey. Aliw na aliw siya sa panonood ng Pinoy Big Brother. Updated ito sa mga kaganapan sa show. Favorite ni Mickey ang kapapalayas pa lang na si Sam Milby.

Pagkapanganak at kapag pumayat na, gusto ni Mickey na bumalik sa trabaho. Nami-miss daw niya ang hosting. Si Archie naman has two shows, Wazzup Wazzup and Digital Tour both sa Studio 23.
* * *
Nararamdaman kong si Franzen na ang mapapalayas bukas ng gabi sa Pinoy Big Brother. Kung noong una ay marami ang natutuwa sa kanya, lately ay mas marami na ang natu-turn off sa kanyang mga kilos. Isa na ako roon.

Isa si Franzen sa limang nominated for eviction. Kasama sina Cass, Jason, Jenny at Say. Personally, gusto ko si Jason na maging top winner. Naaliw ako sa kanya. At higit sa lahat, ‘tulad ni Franzen, kailangan niya at ng kanyang pamilya ang premyo.

Liyamado na si Jason dahil ‘yung nangyaring pagpasok ni Vilma Santos sa bahay ay isang malaking boost sa boto ni Jason. Si Ate Vi the second celebrity na pumasok sa bahay ni Kuya. Si Dolphy ang una. Jason is a true-blue Batangueño.

ARCHIE ALEMANIA

BRENT MARCUS

CRIS IBASCO

DENCIO

FRANZEN

ISA

KASAMA

MGA DECEMBER

PINOY BIG BROTHER

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with