JB, pumoporma na kay Angelica?
ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut () - October 28, 2005 - 12:00am
Last October 27, nagdiwang si Ms. Charo Santos-Concio ng kanyang 50th birthday. Tiyak na very memorable sa kanya ang kaarawang ito dahil sa maraming magagandang pangyayari sa kanyang buhay.

Mula sa isang simpleng babae sa Calapan, Mindoro Oriental, Ma’am Charo has turned into one of Philippine showbiz’s most powerful and influential women. Pero kakaiba si Ma’am Charo sa mga kilala kong powerful and influential. Napanatili niya ang respeto at pagmamahal ng kanyang pamilya, kaibigan at nasasakupan.

Sa bakuran ng ABS-CBN at Star Cinema, siya ang top lady executive. Siya ngayon ang executive vice president for entertainment ng ABS-CBN. Pero siya ang masasabing well-loved by her people. Ako man, mataas ang respeto ko sa kanya. Iba siya. Kung ang ibang executives ay nababago ang ugali ng kanyang posisyon, iba si Ma’am Charo.

Hindi lang ang mga nagtatrabaho sa ABS-CBN at Star Cinema ang nagmamahal kay Ma’am Charo. Pati ang mga artistang nasa bakuran (pati na rin ‘yung mga nasa GMA 7 na) ay mataas ang pagtingin sa kanya.

Isa na si Ma’am Charo ng larawan ng isang accomplished woman. Isang mabuting asawa’t ina. Very supportive na kapatid. Mabait na boss. Kaya tiyak na wala na siyang mahihiling pa sa kanyang kaarawan. 

Kaya sa iyong kaarawan, Ma’am Charo, gusto kong pasalamatan ka sa lahat ng kabutihan mo sa akin. Sa tiwala at pagmamahal. Dalangin ko na igawad sa ‘yo ng Panginoon lahat ng hangad ng iyong mabuting puso.
* * *
Nag-react na pala si Say sa isyu tungkol kina JB at Angelica Panganiban. Nakarating na kay Say ang ginagawang pagporma ng kanyang boyfriend kay Angelica.

"Galit na galit siya," sabi ng kaibigan kong subscriber ng 24/7." Hindi niya mapigilan ang galit. Ang feeling niya, niloko siya ni JB. Gusto na niyang lumabas para ma-confront si JB.

Marami na pala ang nakakakita kay JB na pumoporma kay Angelica. Si Angelica naman ay self-confessed na admirer ni JB. Pero kailangang linawin ni JB ang isyung nanliligaw siya kay Angelica. Aba, nangako siya sa mga magulang ni Say na hindi niya lolokohin ang dalaga.

ANGELICA PANGANIBAN CHARO KAYA LAST OCTOBER MINDORO ORIENTAL MS. CHARO SANTOS-CONCIO PERO SIYA STAR CINEMA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with