^

PSN Showbiz

Kris, nagalit nang tanungin ni Wendell kung naligo na siya

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Naikwento sa akin ni Kris Aquino na malapit na siyang matapos sa mga eksena niya sa Sukob, ang follow-up movie niya after Feng Shui sa Star Cinema. Si Chito Roño ang direktor ng said movie. This time, si Wendell Ramos ang leading man niya.  Nagkatampuhan pala sina Kris at Wendell dahil sa isang joke ng huli.

"Sa scene kasi, he was supposed to kiss me. Then after no’ng scene, he asked me kung naligo raw ba ako. Amoy-pawis daw ako. Naloka ako kasi in my entire life, never naman akong naamuyan ng ‘di maganda," kwento ni Kris.

Ani Kris, nagalit daw talaga siya. Pero biniro lang siya ni Wendell.

"He texted me the following day, apologizing dahil sa joke niya. Pero ngayon, bati na kami."

Naikwento ni Kris na sa huling nagawa niyang eksena for Sukob, mayroon scene na naliligo si Wendell nang hubo’t hubad.

"As in walang damit or anything," kwento nito. "But please, hindi ako tumingin no! Kahit sa video assist, hindi ko tiningnan. Ang swerte ni Direk Chito. Hahaha! Hindi ako interesado kung anuman ‘yung mero’n siya. Hahaha!"

Up to now, hindi pa rin alam ni Kris kung sino ang gaganap sa role na sister niya sa movie. Unang nabalitang si Claudine Barretto ang makakasama niya. Pero dahil busy si Claudine, hindi pa ito nagsisimula.

Ang Sukob ay kwento ng dalawang magkapatid na sa kabila ng pamahiin na huwag magpakasal sa parehong taon, itinuloy pa rin. Dito na nagsimula ang mga nakakagimbal na pangyayari sa kanilang magkapatid.
* * *
Birthday na naman ng isang taong malapit sa puso ko na si Boy Abunda. Hahangaan mo kung paano minahal ng tao si Tito Boy. He is friend practically with everybody in showbiz. Malaki ang respeto sa kanya ng tao.

Masarap maging kaibigan si Tito Boy. Marami kang matututunan. He always has good words for people. Ayaw niyang may masasaktan. Ayaw niyang may maririnig na masama laban sa isang tao.

Hindi ko makakalimutan ang pagiging generous ni Tito Boy. Sa ilang pagkakataon sa buhay ko, lagi akong naalala ni Tito Boy. At kapag lumalabas ako ng bansa, lagi ka niyang naaalala.

Marami rin akong alam na ginagawang pagtulong ni Tito Boy. At hindi na niya kailangang ipangalandakan ito.

Naabot na ni Tito Boy ang pinakamatayog na chapter ng kanyang career. Walang duda na siya na ang "King of Talk". Sa personal life, alam kong masaya siya. At sana nga ay marami pa siyang taong mapasaya.

Sa kaarawan mo, Tito Boy, dalangin ko ang lahat ng mabuti para sa ‘yo. Mahal na mahal ka namin. Happy birthday, Tito Boy!
* * *
Marami ang nalungkot sa pagkaka-nominate ni Sam noong nakaraang Sabado sa Pinoy Big Brother. Kung tutuusin, hindi lang si Sam ang nominated, apat pang housemates ang napasok sa nominees list sina Chx, Jayson, Franzen at Cass.

Sa ilang linggo ni Sam sa Pinoy Big Brother, agad siyang nakilala. Marami agad ang nahumaling sa kanya. Bukod kasi sa talaga namang gwapo, maraming talent si Sam. Pwede talagang maging artista.

Isa si Aiai delas Alas sa vocal sa kanyang admiration kay Sam.

"Cute kasi siya talaga," sabi ni Aiai. "Pati anak kong si Sophia, crush siya. Ako rin, crush ko siya, hahaha!"

Tiyak na hindi pababayaan ng fans na ma-evict si Sam. Malalaman kung malakas talaga ang hatak niya sa fans. Ngayong Sabado ay eviction na naman.

BOY

MARAMI

NIYA

PERO

PINOY BIG BROTHER

SIYA

TITO

TITO BOY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with