^

PSN Showbiz

Walang nilabag na regulasyon

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
 Nakausap ko si Lauren Dyogi (business unit head ng Pinoy Big Brother) tungkol sa issue na nag-violate sila ng rules ng Big Brother sa ilang pagkakataon. Dala-dala ni Direk Lauren ang handbook ng rules and regulations ng Big Brother.

One issue raised now is the Big Switch. Since forced eviction ang nangyari kay Bob (dahil sa unstable health condition nito), a new housemate is being considered na pumalit kay Bob.

"Malinaw sa rules na pwede ang previously evicted housemate na pumalit. We do not and we are not violating rules. All our decisions in the show are within the rules and upon consultation with Big Brother and Endemol," paliwanag ni Direk Lauren.

Narito ang portion ng Big Brother handbook na naglalaman ng rules and regulations tungkol sa pagpasok ng isang housemate. 

"A new housemate may be called in to replace any person who leaves voluntarily or who has been disqualified by Big Brother. This replacement could be a former housemate who had previously been evicted. When this happens, and when a new person comes in, the following rules apply.

The current housemates cannot ask any questions about the outside world.

• The new housemates cannot report any news about the outside world.

• The current housemates have to help the new housemates acclimatize to their new and strange environment.

• The new housemate will not receive the full prize money. His/her cash prize will be computed based on the length of stay in the Big Brother house.

• The new housemate is exempt from the next nomination round.


Gusto lang ipaalam ni Direk Lauren na kailanman ay hindi sila nag-violate ng rules ng Big Brother. "We are doing our best to be fair and just," sabi nito.
* * *
Hindi ko maintindihan si Amalia Fuentes kung bakit nakikisawsaw ito sa isyu kay Aiko Melendez at sa mga nakaengkuwento nito.  Ipagpalagay nang kaibigan niya ang mga Ongpauco kailangan ba niyang magsalita?  Kailangan ba ang opinyon niya?  Hinihingi ba ng tao ang sentiments niya?  Hindi.

Malinaw namang gusto lang umeksena ni Amalia sa isyu. Ipinamamarali niyang ordinary citizen siya kaya malaya siyang makapagsasalita sa isyu. E malinaw namang hanggang ngayon ay may galit pa siya sa butihing konsehala ng Quezon City. Kaya hindi mo paniniwalaan ang kanyang mga salita.

Luma ang isyung binibitiwan ni Amalia about Aiko. Walang bago at hindi interesting. 

Sa totoo lang, dahil sa ugali ni Amalia Fuentes, hindi mo magagawang irespeto siya. Ibang-ibang siya sa mga former movie queens tulad nina Susan Roces, Gloria Romero at Vilma Santos. Kung si Susan Roces ay national issue ang ipinaglalaban, si Amalia ay isang isyu ng di pagkakaunawaan sa Greenbelt.

Ms. Amalia Fuentes, piliin mo naman ang ginagawa mong pakikipaglaban. Sana naman ay yung may katuturan para sa bayan o kahit sa industriya man lang ng showbiz. 

Hay, naku ang ibang tao talaga. Makapag-ingay lang. Whew!

AMALIA

AMALIA FUENTES

BIG

BIG BROTHER

BROTHER

DIREK LAUREN

NEW

RULES

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with