Carol Banawa, dumating pero, ayaw magpakita?
ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut () - October 13, 2005 - 12:00am
Kailangan sigurong magpakita ni Eric Fructuoso sa publiko. Pinag-uusapan ang tungkol sa pagkaka-rehab niya. Umugong ang balitang naka-rehab si Eric ngayon dahil sa drugs.

May ilan na nagsasabing nasa loob nga ng rehab si Eric. At may iba naman na nagsasabing hindi totoo ang balita. Ang huling balita ko kay Eric nang makita ko ito ilang buwan na ang nakararaan, si Tita Angge ang manager niya. At gusto nga niyang mag-comeback sa showbiz.

Sana nga ay magparamdam na si Eric para matapos na ang isyu sa kanya. Unfair naman kasi na naiintriga siyang hooked sa drugs when in fact, hindi naman.
* * *
Nag-leave of absence na pala si Jodi Santamaria sa Kampanerang Kuba. Malaki na ang tiyan niya at hindi na ito maitago. Gusto na rin niyang makapahinga. At kamakailan ay umalis na si Jodi papuntang States para doon manganak.

Nakatanggap ako ng text message mula sa isang kaibigan ko na nakita niya si Jodi who works as a cashier sa isang establishment sa Los Angeles. The company is apparently owned by her in-laws.

Habang wala si Jodi sa Kampanerang Kuba, si Desiree del Valle ang gumaganap bilang villain to Anne Curtis. Natapos na rin ni Jodi ang stint niya sa Perfect Moments.
* * *
 Nasa Pilipinas daw ngayon si Carol Banawa. Pero walang makapagsabi kung saan ito nagi-stay. Kahit si Lulu Romero (her former handler sa Talent Center) o si Biboy Arboleda (her former manager) ay hindi masabi kung nasaan si Carol.

Ang balita ko, umuwi si Carol sa Pilipinas para bisitahin ang kanyang ama. It’s been three years now nang umalis si Carol. At ang purpose ng kanyang pag-alis ay para dalhin ang ama sa America para ipagamot. Pero hindi ito natuloy dahil hindi na-grant ng visa ang ama.

Kahit noong nasa America, naging very elusive si Carol. Hindi ito nagpakita sa kanyang mga kaibigan. Kahit mga e-mails ko, hindi sinasagot ni Carol.

Sa totoo lang, gusto kong malaman ang tunay na kalagayan ni Carol ngayon. Sana naman ay magparamdam si Carol sa kanyang mga kaibigan na concerned lang naman sa kanya.

ANNE CURTIS BIBOY ARBOLEDA CAROL CAROL BANAWA ERIC FRUCTUOSO JODI KAHIT KAMPANERANG KUBA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with