Ayaw mag-boyfriend ni Toni!
- Veronica R. Samio () - October 9, 2005 - 12:00am
Talagang nakatakdang maging isang malaking showbiz personality si Toni Gonzaga. Ayon sa kanyang mga magulang na nakakwentuhan ko kamakailan, apat na taon lamang ito ay champion singer na sa buong lalawigan ng Rizal. Pero, hindi nila akalain na papasok ito ng showbiz.

"Napaka-batang kumapal ng mukha," natatawang sabi ng kanyang ama. "Maski sa school basta may palabas, kasali siya.

"Nung seven years old siya, palaging sumasama siya sa opisina ng kanyang ina. Palagi siyang pinapakanta. Hindi naman umaayaw, aakyat lang ito ng mesa at hihingi ng isang gamit na kunwari ay microphone at okey na siya. Pero bago siya kakanta, kailangan maraming tao, kaya kinakalap pa ang mga trabahador sa opisina ng mommy niya para maraming manood," dagdag kwento pa nito.

Ayon pa rin sa ama ni Toni ay kinuha nito ang pangalan ng kanyang anak kay Toni Rose Gayda. "Ewan ko ba, gandang-ganda ako sa pangalan niya. Machong-macho kasi ang dating pero, ang nagmemeari napaka-feminine, parang si Toni," dagdag pa nito.

At 13, nag-e-emcee na ito ng mga political rallies, una ng kanyang amain at ikalawa, ay ng kanyang ama nang tumakbo ito sa politika. "Kaya malakas ang boses niya, dahil sanay sa stage," pag-uulit ng ama.

Ang ayaw lamang ni Toni ay magkaro’n ng boyfriend sa ngayon. "Siguro dahil enjoy siya sa work niya. Sabi niya at 25 pwede na pero, sabi ko sa kanya hindi niya ito mabibigyan ng araw, ang pagbu-boyfriend, darating na lang ng kusa," sabi pa.
* * *
Kung meron mang nagulat sa pelikulang Ilusyon, bukod sa maraming manonood na lumabas nang gulat na gulat sa mga sinehan matapos na ito ay mapanood, ito ay walang iba kundi ang bidang babae sa pelikula na si Jaycee Parker.

Hindi ito makapaniwala na magaling siyang artista. At ito ay hindi niya naririnig na sinasabi sa kanya ng mga kabigan at pamilya niya, kundi ng mga taong di niya kilala pero, napanood ang pelikula.

Isang nude model si Jaycee sa Ilusyon at bagaman at seksing-seksi siya sa pelikula, hindi ito ang napansin sa kanya kundi ang maganda niyang pagganap. For this, pinasasalamatan ni Jaycee ang kanyang kaparehang si Yul Servo na naging supportive sa kanya. Pinadali nito ang kanyang role. Bukod dito, natangay din siya sa galing nito.

Palabas pa rin ang Ilusyon sa mga sinehan.
* * *
Pwede palang magkaibigan ang aswang at tao?

Ito ang magiging relasyon nina Billy (Paolo Contis) at Angelika (Katrina Halili) sa episode ngayong Linggo ng Kakabaka-Boo sa GMA7.
* * *
veronica@philstar.net.ph

AYON ILUSYON JAYCEE PARKER KANYANG KATRINA HALILI NIYA SIYA TONI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with