Cory, di pinayagan ang sexy billboard ni Kris!
ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut () - October 7, 2005 - 12:00am
Obviously, may smear campaign laban sa programa ni Maricel Soriano na Vietnam Rose. Kaliwa’t kanan ang mga negatibong balita tungkol sa Vietnam Rose.

Hindi ko na tutukuyin kung ano ang programang katapat ng Vietnam Rose. Ang alam ko, ito yung fantaserye.

Twelve years na ako sa pagsusulat. Alam ko na ang pasikut-sikot ng pagpi-PR at alam ko kung may deliberate move para siraan ang isang tao o programa. Madaling mabasa.

Sa analysis ko, mangilan-ngilan pa lang ang "ginagamit" para siraan ang programa ni Marya. Could be, way nila ito para i-promote ang kanilang programa.

Taliwas naman ito sa reaksyon ng viewers sa Vietnam Rose. Marami ang naniniwala na true to its promise, maganda ang teleserye ni Marya. At sa totoo lang, sa dami ng naririnig ko about how a TV rating is gauged, hindi na ako naniniwala sa rating.
* * *
Ngayong officially ay released na si Hero Angeles ng Star Magic, puwede na siyang lumabas sa iba’t ibang programa sa telebisyon. Kaliwa’t kanan din ang pagpapainterbyu nito tungkol sa sama ng loob niya sa istasyong nagbigay sa kanya ng break na eventually ay sinira din niya.

Pero ang kagulat-gulat ay paulit-ulit ang isyu ni Hero at ng kapatid nitong si Henry. Sa mga interbyu nila, wala na silang ibang sinabi kundi ang galit nila sa ABS-CBN. Pati yung away nila ni Sandara Park noon ay pilit niyang inuungkat.

Kumalat ang balitang kinukuha raw si Hero ng Eat Bulaga. Pero pinabulaanan naman ito ng boss ng programa.
* * *
In a way ay disappointed si Kris Aquino dahil hindi na lalabas ang sexy billboard niya for Belo Medical Group. Si Mrs. Corazon Aquino ang nagdesisyon na hindi ito papayag na maitaas ang nasabing billboard. Wala sanang plano si Kris na kunin ang permission ng ina tungkol sa billboard.

"Na-send ko kasi sa sister ko yung MMS ng photo shoot tapos pinakita niya sa mommy ko," kuwento ni Kris. "And when my mom saw it, she called up Dr. Vicki Belo and requested na huwag nang gamitin ang billboard. So yun."

Hindi mahindian ni Dr. Vicki si Mrs. Aquino kahit pa may kontrata nga si Kris as endorser ng nasabing beauty clinic. Kaya ang siste, ibang shot na lang (of the same photoshoot) ang gagamitin for the billboard.

"Sexy pa rin pero hindi na as daring as yung una," sabi ni Kris.

Sa mga curious kung ano ang pose ni Kris sa na-cancel na billboard. Tanging white shirt ang suot niya na hindi mo malalaman kung mero’n siyang suot na underwear sa loob. Tiyak na pag-uusapan si Kris kung natuloy ang nasabing billboard.

BELO MEDICAL GROUP BILLBOARD DR. VICKI DR. VICKI BELO EAT BULAGA HERO ANGELES KALIWA VIETNAM ROSE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with