‘Okey lang maging friends sina Sam at Say pero, akin si Say’ — JB
ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut () - September 28, 2005 - 12:00am
Muling pumirma ng bagong movie contract si Toni Gonzaga sa Star Cinema last Thursday, in the presence of Star Cinema Managing Director Malou Santos, at si Mrs. Pinky Gonzaga. Ang mom niya ang tumatayong manager ngayon ni Toni.

Two-year three-picture contract ang pinirmahan ni Toni sa Star Cinema. Sa kanyang bagong project, muli silang magkakasama ni Vhong Navarro sa Amnesia Girl.

When asked kung sino pa ang gustong makatrabaho ni Toni sa movie, "Aga Muhlach and Piolo Pascual," tugon nito.

Malaki pala ang crush ni Toni sa bagong Pinoy Big Brother housemate na si Sam. Nakilala ito ni Toni bago pumasok sa bahay.

"Cute siya talaga," sabi nito. "Grabe ang charm niya."

Nang tanungin naman kung ano ang dream role niya sa movies.

"Tomboy at mahirap na role. Para kasing walang ka-effort-effort i-portray," sabi nito.
* * *
Kinakailangan alalayan ni Lauren Dyogi ang evicted Pinoy Big Brother housemate na si JB Magsaysay sa live guesting nito sa The Buzz last Sunday. Inamin ni JB kay Direk Lauren na nati-tense siya. Kaya nakasuporta si Lauren kay JB. Sa internal arrangements sa ABS-CBN, sa The Buzz ang unang live show na dapat um-appear ng isang evicted PBB housemate.

"Alam ko pong maraming galit sa akin. At least po ngayon, may chance na akong ma-address yung mga ayaw nila sa akin at makapag-sorry na rin sa mga taong nasaktan ko," paliwanag ni JB.

Inamin ni JB na very strange ang nangyari sa pagsali niya sa PBB.

"Sumali ako para ma-experience ko yung contest at manalo. Ang hindi ko alam, sa loob ng bahay ko pa pala makikilala ang babaeng mamahalin ko."

Malaki rin ang selos ni JB kay Sam. Prangkahan niyang inamin na maraming traits si Sam na posibleng kahulugan ng loob ni Say! Malaki ang crush ni Sam kay Say.

"Guwapo talaga siya at mabait. Okey lang maging friends sila ni Say pero akin si Say," sabi ni JB.

After ng said guesting ni JB sa The Buzz, mas maraming tao ang nakakaintindi na sa kanya. Kahit sina Kris Aquino, Boy Abunda at Cristy Fermin ay naunawaan na ang naging attitude ni JB sa loob ng bahay.

Just like Rico Barrera (the first evicted PBB housemate), magiging visible din si JB sa mga programa ng ABS-CBN. Abangan natin kung maging mainit din ang pagtanggap ng tao kay JB, tulad ng naging pagtanggap kay Rico.
* * *
Today ang showing ng Dubai ng Star Cinema. Malakas ang feedback na kikita ang pelikulang ito nina Aga Muhlach, Claudine Barretto at John Lloyd Cruz. Bukambibig ito ng tao. Trailer pa lang, interesting na. Idagdag pa na malakas ang dating ng theme song ng movie na Ikaw Lamanga ni Gary Valenciano.

Si Aga kasi has established a box-office appeal. Lahat ng pelikulang ginawa niya sa Star Cinema ay box-office hits. With Claudine ay gano’n din. First time ni John Lloyd na makasama ang dalawang bigating artista sa pelikula.

Si Rory Quintos na direktor ng Dubai ay direktor din ng dalawang record-breaking movies ng Star Cinema, ang Anak at Kailangan Kita.

AGA MUHLACH AGA MUHLACH AND PIOLO PASCUAL AMNESIA GIRL BOY ABUNDA CLAUDINE BARRETTO MALAKI PINOY BIG BROTHER STAR CINEMA TONI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with