Judy Ann, Piolo movie start na!
ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut () - September 22, 2005 - 12:00am
Agad na in-address ng Globequest WIZ ang isyu ng kanilang wi-fi system sa The Loop ng ABS-CBN. Nitong huling log in ko, mabilis akong naka-access. Hindi na ako nakaka-encounter ng logging in problems.

Nakatanggap ako ng letter mula kay Ms. Lea Gonzales ng Corporate Customer Support ng Innove Communications, Inc. (Globequest WIZ). She apologized for the inconvenience na na-encounter ko. She assured me and the rest of Globequest WIZ users na they will make sure na hindi na muling mangyari ang incident. Nag-deploy na rin sila ng monitoring group sa lahat ng kanilang hotspot para maiwasan ang aberya.

Sa totoo lang, natutuwa ako sa mga service providers na mabilis umaksyon sa mga problema ng kanilang subscribers tulad ng Globequest WIZ.

Salamat kay Lea at sa staff niya sa mabilis na aksyon sa naging problema ko. Ngayon, I am enjoying the full services ng Globequest WIZ sa The Loop ng ABS-CBN.
* * *
By the time na binabasa ninyo ang column na ito ay nasa Baguio City na sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual para sa simula ng shooting ng movie nila under Star Cinema. Nag-pull out na ang buong production team ng movie noong Lunes. Bukod sa Baguio, most of the scenes ng movie ay kukunan sa Sagada sa Cordillera province. Kung tama ako, 7-hour drive pa ito from Baguio.

Bukod kina Juday at Piolo, kasama rin ang direktor ng movie na si Bb. Joyce Bernal. Bago umakyat ng Baguio, nakausap ko si Joyce. Excited nitong ikinuwento sa akin ang location ng movie. Nag-ocular inspection si Joyce sa Sagada ilang linggo na ang nakakaraan.

"Nakaka-in love ang location. The look and the story will be something new. Gusto kong makita ng tao kung gaano kaganda ang Cordillera region," sabi ni Joyce.
* * *
Kitang-kita ko ang pagod ni John Lloyd Cruz nang huling makausap ko ito sa Windows Cafe sa The Loop. Nagti-taping si John Lloyd nang araw na yon for Ikaw Ang Lahat Sa Akin. Kahit pagod, hindi mo mariringgang magreklamo ang mahusay na aktor.

Finally ay natapos na niya ang last scenes for Dubai. Kararating lang ni John Lloyd mula sa Dubai. Tinapos nila ni Aga Muhlach ang last scenes nila. Yun ang ending ng pelikula na sinasabing iiyakan mo talaga.

Pagbalik, sabak agad si John Lloyd sa taping ng Ikaw Ang Lahat Sa Akin. May isa pa siyang pelikulang tinatapos kung saan kasama si Bea Alonzo. Ito yung love trilogy ng Star Cinema.

AGA MUHLACH BAGUIO CITY BEA ALONZO BUKOD CORPORATE CUSTOMER SUPPORT GLOBEQUEST IKAW ANG LAHAT SA AKIN JOHN LLOYD STAR CINEMA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with