Gina Alajar, iniintriga sa internet!
ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut () - September 17, 2005 - 12:00am
Nakatanggap ako ng email mula sa isang poster sa Pinoyexchange. Ang Pinoyexchange ay isang community site para sa maraming bagay. Nakakaintriga ang subject ng email. May kinalaman ito kay Gina Alajar who is being accused na tini-threaten daw ang mga fans sa thread.

Ayon pa sa sender, fan siya ni Heart Evangelista. Hindi niya gusto si Geoff para kay Heart.

Ayon sa email, "Napasok" na raw ni Gina ang nasabing thread at sumasagot na rin ito sa mga post, Especially kapag sinisita ang acting ni Geoff.

Duda ako na hindi si Gina ang nasabing PEX poster. Sa dami ng ginagawa nito, I don’t think mag-aabala pa itong magbasa ng thread sa Pinoyexchange. Hindi nga ito nakarating sa presscon ng Vietnam Rose dahil may nauna itong commitment. Gina plays an important role in Vietnam Rose. Asawa siya ni Ricky Davao. May nakakalokang twist sa karakter niya sa pagtakbo ng story.

Hindi ko alam kung papatulan pa ni Gina ang isyung ito. At least lang, aware siya na kung hindi man siya ‘yung nagpakilalang Gina Alajar sa Pinoyexchange, alam niyang may gumagamit ng pangalan niya.
* * *
Hindi alam kung bakit pilit na iniintriga ang dalawang ABS-CBN executives na sina Deo Endrinal at Lauren Dyogi. Ayon sa mga dalahira, nagpa-party raw si Deo nang hindi pumalo sa rating ang pilot week ng Pinoy Big Brother. Si Lauren ang over-all in charge of production ng Pinoy Big Brother.

Unang in-offer kay Deo ang PBB. At dahil abala ito sa kanyang mga existing at new shows, he had to beg off. Kaya napunta ito kay Lauren.

Malisyoso ang balitang nagpa-party si Deo. Nakarating din ang isyu kay Lauren pero ayaw nitong patulan ang isyu. Magkaibigan sina Deo at Lauren even during their college days sa University of the Philippines.

Nang tanungin ko si Deo about the issue, natawa lang ito. Ayaw nitong patulan ang isyu. Although aware ito kung sino ang nagkakalat ng isyu against him. May hinala din ako na isang ABS-CBN executive ang culprit sa isyung ito. Hindi ko alam kung iku-confront pa ni Deo ang nasabing person.

Although, no regrets siya na hindi niya tinanggap ang show. Sa katunayan, isinama ni Deo ang evicted PBB housemate na si Rico Barera sa bagong soap opera’ng Gulong Ng Palad.
* * *
Ngayong araw ang dating ni Sandara Park. Pagkatapos ng limang buwang pagbabakasyon sa Korea, magbabalik si Sandy. At pagdating niya, sunud-sunod na trabaho ang kanyang gagawin. Una riyan ay ang movie under Star Cinema. Ang balita ko, comedy ito na ididirek ni Wenn Deramas.

Ngayon pa lang ay may nakaabang nang kontratang pipirmahan si Sandy for endorsements. Even at the time na nasa Korea siya, may mga inquiry na sa Star Magic para kunin ang serbisyo niya.

AYON DEO GINA GINA ALAJAR LAUREN PINOY BIG BROTHER PINOYEXCHANGE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with