^

PSN Showbiz

Pampelikula ang lovelife ng dating ‘That’s...’ member

RATED A - Aster Amoyo -
Tulad ng dating That’s Entertainment at OctoArts talent na si Mikee Villanueva, sa Amerika na rin naka-base si Tootsie Guevarra matapos itong mag-asawa sa American-based Filipino guy na si Jansen Cunanan.  Ang dalawa ay ikinasal nung nakaraang August 8 sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City at ginanap naman ang reception sa ballroom ng Shangri-La Hotel sa Makati.

Si Jansen ay nakilala ni Tootsie (Emma Therese Pinga) sa pamamagitan ng kaibigan ni Jansen na si Geneva Cruz.  Sa St. Jude College nagtapos ng Physical Therapy si Jansen.  Nung nag-aaral pa si Jansen, sumasama siya sa mga show ni Geneva sa kanyang libreng oras. 

Unang nakilala ni Jansen si Tootsie nang magkasama sina Geneva at Tootsie na parehong guests ng programang ASAP na nag-location noon sa Subic Bay sa Olongapo City.  Noon pa man ay crush na ni Jansen si Tootsie na napapanood lamang niya sa telebisyon. 

Nang mag-intern si Jansen sa Subic Bay, hindi naging dahilan ang malayong distansiya para dalawin niya si Tootsie sa Cainta hanggang tuluyang mahulog ang loob sa kanya hindi lamang ni Tootsie kundi maging ng buong pamilya nito.

Nang magtapos si Jansen sa kanyang course ay kinailangan niyang bumalik ng Amerika kung saan sila naka-base.  Aminado si Jansen na hindi naging madali ang kanyang pag-alis dahil iiwan niya sa Pilipinas si Tootsie.  Pero sa kabila ng kanilang pagiging malayo sa isa’t isa, nagpatuloy ang kanilang komunikasyon at lalo pang naging malalim ang kanilang relasyon na nauwi sa kanilang pagpapakasal. 

Very memorable, meaningful at unforgettable moment para kay Tootsie ang kanilang engagement day nung nakaraang August 17, 2004.  Lumipad patungong California si Tootsie kasama si Mommy Tess para sorpresahin si Jansen sa kanyang kaarawan. Nagkataon na birthday din ni Tootsie ang August 17 at August 22 naman si Jansen. Vacation at graduation gift na rin ‘yun ni Tootsie para sa kanyang sarili.

Pero walang kaalam-alam si Tootsie na siya ang masu-sorpresa dahil sa araw ding ‘yon nag-propose sa kanya si Jansen. Alam ng pamilya at ng mga bisita ang preparasyon na ginawa ni Jansen maliban kay Tootsie. Naglagay si Jansen ng dummy engagement ring sa birthday cake na may nakataling singsing  at may nakalagay na note na Follow the string, the string of life...

Lumakad si Tootsie sa mga lighted candles patungo kay Jansen na nakatayo sa loob ng isang life-size heart-shaped lighted candles at saka ito lumuhod at nag-propose kay Tootsie.  Ang marriage proposal na ‘yon ay nauwi sa kanilang engrandeng kasal nung nakaraang Agosto 8. Hindi rin makakalimutan ni Tootsie nang dumating galing Amerika si Jansen sa graduation day mismo ni Tootsie nung March 22, 2002. 

Si Jansen ay nanalong Mr. University at kumatawan sa Japan bilang Mr. Philippines. Isa rin itong print and commercial model. Si Tootsie naman ay kilalang mang-aawit at recording artist ng Pilipinas. 

Pagkatapos ng kanilang kasal ay tumulak na sila patungong Amerika. Nakatira ngayon ang bagong mag-asawa sa Rancho Cucamonga, isang booming city 45 minutes drive mula sa Los Angeles downtown.

Si Tootsie ay nag-aaral ng real estate principles sa California para maging isang real estate agent.  Pinaghahandaan na ni Tootsie ang kanyang state licensing exam para sa kanyang pagiging isang certified realtor.   
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

AMERIKA

EMMA THERESE PINGA

FORBES PARK

JANSEN

SI JANSEN

SI TOOTSIE

SUBIC BAY

TOOTSIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with