Dating mag-syotang Richard at Anne pagtatapatin ng kani-kanilang network?
() - June 25, 2005 - 12:00am
Hindi nagbigay ng comment si Richard Gutierrez nu’ng malaman niya na tatapatan pala ng Sugo ang fantaseryeng Kampanerang Kuba ni Anne Curtis, say lang ng binata, "Okey Lang".

Pero aminado ang ex-boyfriend ni Anne na pinanood niya ang paglabas ng dalaga sa naturang programa at maganda naman daw. Wala raw siyang taping sked no’n kaya nasilip niya.

Pero ngayong sunud-sunod ang tapings niya para sa Sugo ay baka hindi na niya ito masubaybayan pa, lalo’t paalis din siya patungong Amerika para sa shooting nila ni Angel Locsin.

Excited na ang binata sa kanyang pangalawang telefantasya, pero hindi na gaanong dina-daga ang dibdib niya tulad nu’ng Mulawin.

"Yung Mulawin kasi, first time kong mag- telefantasya, tapos first time pa sa primetime, kaya kabang-kaba ako na hindi ko maintindihan, kaya dito sa Sugo, parang okey na ako, sobrang saya ko na, inaabangan ko na nga, gusto kong makita ‘yung resulta," paliwanag ni Richard.

Kilala ang actor na nai-in love sa kanyang leading lady at dito sa Sugo ay hindi niya itinatangging baka ma-in love siya kay Olivia o Sabel (sa Max’s TV ad) dahil napaka-bait at magaling ito.

"Nagulat nga ako, she’s very nice, very good in acting, matalino at simple, hindi n’yo pa ba na-meet? You should meet her, okey siya," pagmamalaki ng binata.
* * *
Unang napanood si Saver the wonder dog sa Magandang Gabi Bayan nu’ng hindi pa public official si Kabayan Noli de Castro, pero sa Sis ng GMA 7 naman sumikat ng husto si Saver at aminin man o hindi ng programa ay nakatulong si Saver sa pagtaas ng ratings nila at inilampaso nga ang Morning Girls with Kris and Korina hanggang sa natsugi na nga sa ere.

At hangang sa naging Good Morning Kris na lang at di rin nagtagal hanggang sa naging Morning Star na hindi rin nakayanan ang pagsasayaw ni Saver sa kabilang istasyon.

Kinukuha naman ngayon ng MRS si Saver, pero hindi pumayag ang amo ng wonder dog na si Mang June Lazarte dahil pangako niya sa GMA 7 na hindi niya tatapatan ang Sis maski na wala na siya sa Siete.

At naging maganda naman ang pagiging loyal ni Saver dahil kinuha siya ng Encantadia for three shooting days at nu’ng natapos ay kinuha ngayon ng Mga Anghel na Walang Langit.
* * *
In love na talaga ang comedy concert queen na si Aiai delas Alas sa kanyang papa Art Carter dahil last Monday, June 20 lang sila nagkahiwalay dahil bumalik na ng California ang boyfriend ay heto’t plano namang sundan uli sa susunod na buwan.

"Hindi, iso-sorpresa ko siya, kasi birthday niya next month, kaya dadalawin ko siya tapos balik din ako kaagad ng Pilipinas kasi may taping ako," paliwanag ni Aiai sa amin.
* * *
Kung hindi naman babaguhin ang plano ay baka ma-interview sa S-Files bukas, Linggo ang ina naman ng mga anak daw diumano ni Jeremiah Rosales, younger brother ni Jericho Rosales na myembro ng Star Circle Batch 13.

Nalaman namin na lalantad na ang ina ng mga anak ni Jeremiah dahil hindi raw ito nagbibigay ng sustento.

Anyway, alam kaya ng Star Magic ang istorya ni Jeremiah? — Reggee Bonoan

AIAI ANGEL LOCSIN ANNE CURTIS ART CARTER GOOD MORNING KRIS JEREMIAH ROSALES NIYA SUGO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with