^

May libreng biyahe pero, dapat kasama ang gay exec na nag-sponsor na travel agency?!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista () - May 31, 2005 - 12:00am
Gaano katotoo na ang nananalo sa isang male personality contest ay binibigyan ng free trip sa isang lugar sa Asya pero ang kapalit ay dapat kasama nito ang bading na executive ng naturang agency? Tinitikman daw nito ng natitipuhang winner.

Pumayag naman ang winner dahil ito ang magbibigay daan para makilala at makapasok siya sa modeling, komersyal at sa showbiz.
Local Movies, Nakikilala Na Sa Abroad
Sa isang panayam kay Wilson Tieng ng Solar-UIP ay nagpahayag ito na nakikilala na ang mga pelikula natin sa iba’t ibang festival sa abroad.

"Sa nakaraang Cannes Film Festival ay pinuri ang mga likha nating pelikula for exhibition sa World Cinema gaya ng Milan at Panaghoy sa Suba. Malaking tulong ang ginagawa ni Tony Gloria ng Unitel Pictures para hangaan ang ating produkto sa abroad gaya ng Crying Ladies.

"He has the initiative to go out and connect with people who are buyers para makasali ang mga pelikula nito sa mga filmfest o maipadala ang produkto natin sa abroad. Sa ganitong paraan namo-motivate ang ating mga prodyusers na gumawa ng mga dekalidad na pelikula," aniya.
Mumunting Milagro Sa Mapagpalang Kamay
Taga-Lucban Quezon kami pero hindi ko pa nami-meet si Fr. Joey Faller ng dinadayong simbahan naming Mapagpalang Kamay. Niyaya kami ng kaibigang Virgie Balatico kasama sina Rowena Agilada, Carmelites at Chuchi (mga angels ni Kuya Germs) para mag-istasyon sa grotto at dumalo sa healing Mass at i-pray over ni Father.

Alas dose ng tanghali nang dumating kami sa simbahan at nagyaya ang mga kasama ko na akyatin ang grotto. Sa tindi ng sikat ng araw ay di ako pumayag noong una dahil may hypertension ako.

Nang makarating kami sa itaas ng grotto ay nagsimula akong pagpawisan ng malamig at sumama ang aking pakiramdam. Nahilo ako at nagsuka.

Nagdasal ako at humingi ng tulong sa Maykapal na sana’y gumaan ang aking pakiramdam. Kulang na lang nga ang humiga ako sa stretcher dahil sa matinding hilo.

After 30 minutes ay bumaba na kami ng grotto at ibang-iba na ang pakiramdam ko. Kahit matindi ang sikat ng araw ay ang lamig-lamig ng naramdaman ko na parang walang anumang nangyari. Higit sa lahat habang bumababa ako ay di ko naramdaman ang pagod hanggang makapasok ng simbahan para sa isang healing mass ni Fr. Faller. Sa dami ng taong nakapila ay nabendisyunan din niya kami.

Naniniwala ako bilang Kristiyano sa mumunting milagrong nagaganap sa ating buhay.

Pakikiramay:
Sa pagyao ng aking tiyuhin na si Silvino Abuan ng Lucban Quezon.
AKO CANNES FILM FESTIVAL CRYING LADIES JOEY FALLER KUYA GERMS LOCAL MOVIES LUCBAN QUEZON MAPAGPALANG KAMAY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with