_ngayon
^

PSN Showbiz

Vanessa, nag-taping na para sa 'Stardance'

-
Simula nu’ng umere ang isa sa bagong 30 shows ng ABS-CBN na Most Requested Show ay isang beses pa lang niyang natalo ang katapat na Sis, last Tuesday lang sa rating na 13.4% over 13% na kung ira-round off mo ay tabla, pero ibigay na natin ang credit na panalo ang M.R.S.

Pero nu’ng Miyerkules ay talo na naman ang M.R.S. sa rating na 16.9% over 12% at nu’ng Huwebes ay talo ulit sa rating na 17% over 11%.

At dahil sa pangyayaring ito ay sinabihan na raw ng bossing ng Dos ang M.R.S. na bumalik na lang sa dati nitong concept na ka-cheapan as in pang masa, tulad ng concept sa Sis. Kung gayun, walang bago sa M.R.S. sa na-tsuging Morning Star?

At gaano katotoo na kaya raw nalungkot ngayon ang staff ng M.R.S. ay dahil back to basic din ang suweldo nila dahil nga hindi sila nagri-rate?

Kasi naman, ang ganda na kasi ang line-up ng hosts na sina Roderick Paulate at Amy Perez lang, kung sinex-sinex pa ang isinama, hayan, nagmukhang chopsuey ang show.
* * *
Nag-taping na raw last Thursday night ang bagong show na Stardance at naroon si Vanessa del Bianco na ilang beses daw inihagis-hagis sa kanyang production number.

Say ng staff ng Stardance ay halos ngumi-ngiwi na raw si Vanessa sa sobrang hirap ng production number niya, pero wala raw siyang masabi dahil mataray ang choreographer nilang si Douglas Nierras.
* * *
Nang ipakita ng isang magandang sexy star ang mga naipundar niyang negosyo na galing daw sa kinita niya ay nagulat pa kami dahil hindi ganu’n kalaki ang kinikita niya para makapagpatayo ng isang resort at bahay sa isang exclusive subdivision na malapit sa bundok.

At ang duda namin ay nasagot na nang madulas ang isa ring artista na kakilala si magandang sexy star na nagkaroon ito ng boyfriend na milyonaryo na nabigyan siya ng 9 milyon. Niyaya rin daw siyang pakasal ng milyonaryong boyfriend, pero hindi niya tinanggap dahil marami pa raw siyang priorities. Kaya natangayan niya ng siyam na milyon ang boyfriend na may iba nang mahal ngayon na duda rin namin ay kinukuwartahan lang din ng bagong mahal. (Ulat ni REGGEE BONOAN)
AMY PEREZ DAHIL DOUGLAS NIERRAS HUWEBES KASI MORNING STAR MOST REQUESTED SHOW RODERICK PAULATE STARDANCE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with