Good Morning Kris, gagawin ding 3 ang hosts?
() - August 27, 2004 - 12:00am
May pinapa-float ang ABS-CBN na papalitan na ang programang Good Morning Kris ni Kris Aquino dahil ilang buwan na raw itong semplang sa ratings sa katapat nitong Sis sa GMA 7.

Halos lahat na raw ng panggagaya ay ginawa na ng programa ni Tetay pero wala pa rin daw pagbabago sa ratings kaya’t naisip daw na palitan na ang concept ng Good Morning Kris, baka ibalik daw ang concept ng Balitang Kris.

Kaya lang may kasama raw si Kris, either Ms. Dina Bonnevie or Aiko Melendez with Angelu de Leon, para tatlo pa rin sila tulad ng Sis.

Kaso nakarating naman sa amin na ino-operan talaga si Aiko na mag-host ng programang papalit sa GMK, pero hindi pa raw nito tinatanggap dahil nga may trabaho siya bilang konsehala ng Kyusi.
* * *
Naguguluhan naman kami sa title ng soap drama nina Regine Velasquez, Ariel Rivera at Richard Gomez dahil paiba-iba. Dati’y Tears In Heaven na naging Forever In My Heart at ngayo’y hindi na naman daw dahil naiba ang takbo ng istorya.

Ayon sa pagkakaalam namin ay kay Goma mapupunta si Regine at hindi kay Ariel at balitang may wedding scene pa ito. Kaya as of this writing ay pinag-iisipang mabuti kung ano ang magandang titulo ng teleseryeng ito nina Regine.

Samantala, maraming nagri-react kung bakit hindi raw si Regine ang gaganap na Darna sa GMA 7 gayung bagay naman daw ito. Katwiran naman ng taga-Siyete ay masyado nang matanda si Regine para sa role, dapat daw ay fresh face o ’yung hindi gaanong may edad na.
* * *
Hindi na muna namin papangalanan ang blind item namin dahil kakilala namin ang mga taong involved.

May mabigat na problema ngayon ang isang anak ng kilalang aktor at TV host/actress na tila hindi alam ng aktor dahil nu’ng alamin namin kung tumulong ang aktor sa problema ng anak ay "no comment" ang isinagot sa amin ng taong malapit sa anak ng aktor.

Taka lang kami sa isinagot sa amin dahil kilala namin ang aktor na mapagmahal na ama sa mga anak niya at responsable pa sa mga pangangailangan ng pamilya. Kaya’t anong dahilan kung bakit tila hindi niya naasikaso ang anak na namumoroblema ngayon?

Dagdag kwento pa na tila hindi raw nakakapunta ang anak ng aktor sa bahay niya dahil ayaw siyang papuntahin ng ama?

Insecurity ang isa sa dahilan kung bakit namumoroblema ngayon ang anak dahil kulang daw ito sa kalinga ng magulang bagay na ipinagtaka namin ulit dahil ang alam namin ay may mga araw na magkakasama silang pamilya. – Reggee Bonoan

AIKO MELENDEZ ANAK ARIEL RIVERA BALITANG KRIS DAHIL GOOD MORNING KRIS KAYA NAMIN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with