Janice, feeling misis pa rin ni John Estrada?
() - July 30, 2004 - 12:00am
Hindi nag-react si Janice de Belen sa lumabas na item na feeling asawa pa rin siya ni John Estrada dahil tinatawag pa rin daw siya ng "Babes".

Say ni Janice, "It’s not an issue kasi annulled na kami matagal na, hindi ko lang ini-announce kasi ayokong maapektuhan ang mga bata."

Civil lang daw sa isa’t isa ang dating mag-asawa for the sake of their kids, pero kung hindi tungkol sa mga anak ang pag-uusapan ay hindi sila nag-uusap dahil walang dahilan.

In passing din, sinagot ni Janice ang tanong namin, "updated ba ang sustento ni John sa mga anak nila?" ang say ni Janice, "Hmm, hindi, pero okay lang, hindi naman ako nagde-demand, but he can visit the kids anytime, every Saturday, nasa kanya ang mga bata."

Kitang-kita na happy si Janice sa buhay niya ngayon at inamin niyang inspired siya at hindi na binabanggit kung sino ang boyfriend niya dahil hindi raw ito showbiz.

Bukod sa lovelife ay maganda ang takbo ng career niya, regular siya sa Sis at madadagdagan pa ng isa pang soap drama na hindi pa niya knows kung anong role niya.

Sa ikatlong taon ng Sis ay marami pa raw pagbabago na magaganap at inamin din ng host na mahirap maging number one sa slot dahil kailangang i-maintain.
* * *
Natatawa ang staff ng Sis sa claim ng Good Morning Kris na dalawang linggo pa lang daw silang nauungusan sa ratings gayung nasa ikaapat na linggo na pala.

"Ayaw na namin mag-comment, pero ang alam namin, dahil kumpleto kami ng rating sheets, we’re on our 4th week na talo sila at saka bakit nila sinusulot ang mga bakla namin kung talo nila kami?" katwiran ng staff.

Inspite of the libel case na isinampa ni Kris Aquino sa GMA-7 dahil sa press release in favor of Sis ay hindi naman daw apektado ang Sis dahil patuloy pa rin itong umaariba sa ratings.

"We have a good show and we think the viewers like it dahil masaya ang umaga nila habang nagluluto sila at binibihisan ang mga anak na papasok sa school, same thing din sa mga kagigising lang, maganda ang gising nila." – Reggee Bonoan

AYAW DAHIL GOOD MORNING KRIS JANICE JOHN ESTRADA KRIS AQUINO REGGEE BONOAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with