Rating ng mga show ni Judy Ann,inililihim
() - June 25, 2004 - 12:00am
Iritado si Alfie Lorenzo sa kasalukuyang nangyayari sa takbo ng rating ng show ni Judy Ann Santos, ang Basta’t Kasama Kita. Feeling nito, may sumasabotahe sa kanyang alaga pagdating sa rating ng mga show na nandun ito. "Ay naku, kung homegrown talent ng Talent Center ang may show na mag-rate ng mataas, agad nagpa-party pero, itong si Juday, kahit ilang beses na nag-top ang kanyang teleserye noon pa, ni isang balloon ay wala," pahayag ng talent manager.

Ang tinutukoy ni Alfie Lorenzo ay noong nakakuha ng 60% ng rating ang Basta’t Kasama Kita sa una nitong airing ay hindi man lang ito naramdaman na kung pinag-usapan man, palihim itong ibinabalita. "Tulad noong pag-guest ni Juday sa Morning Girls noong birthday presentation niya, may bumati sa akin na ang episode ng Morning Girls na nandun si Juday ay nakakuha ng pinakamataas na rating ang show."

Tinawagan din si Tito Alfie ng S-Files para batiin silang dalawa ni Juday dahil noong nag-co-host si Juday with Richard Gomez at Janice de Belen ay nakakuha yon ng napakamataas na rating.

Yong isang guesting ni Juday sa ASAP Mania kung saan nagkaroon siya ng birthday presentation ay hindi masyadong na-play up ang mataas na rating nitong nakuha ng Linggong yon.

Ngayon, nagsimula sa ASAP Fanatic at susundan pa ito ng tatlong Linggong magkasunod, tiyak hindi sa kanya ibibigay ang credit kung humataw sa rating ang nasabing pambagets na show. What else is new di ba? Lalo na siguro kung sasama na ito sa MTB: Ang Saya, Saya, tuwing Sabado. Tiyak na madadagdagan ang viewers ng programa pero nakakasiguro bang maki-credit ito kay Juday? — Alex Datu

ALEX DATU ALFIE LORENZO ANG SAYA JUDAY JUDY ANN SANTOS KASAMA KITA LINGGONG MORNING GIRLS RATING RICHARD GOMEZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with