Good AM Kris simula na
() - May 31, 2004 - 12:00am
Solo flight na ang Talk show queen na si Kris Aquino simula ngayong araw, May 31, dahil sisimulan na ng ABS-CBN ang kanyang bagong morning show na Good Morning Kris, 10:30-11:30 a.m.

Ang makulay at masayahing personalidad ni Kris ang magiging basehan ng format ng Good Morning Kris. Sa programa ang pinaka-"tried and tested" na elemento ng kanyang classic na morning shows ay hahaluan ng pinakabagong trends at gimmicks sa talk show ngayon. Kaya simula Lunes, ihahatid ng Good Morning Kris ang ating mga inaasahang segment, gaya ng mga interbyu na intelehente ngunit emosyonal, ang mga portion na nagbibigay-kaalaman tungkol sa mga isyu na umaapekto sa ating mga buhay, na may halong "reality" at "MTV" style na treatment. Nariyan na rin ang mga makeover, mga "raid" a bahay ng mga celebrity, at kung anu-ano pang mga gimmick na magpapasaya sa inyo tuwing umaga.

Higit sa lahat, ibibigay ng Good Morning Kris ang spotlight sa nag-iisang talk show queen. Ilang taon na ring namamayagpag si Kris bilang award-winning TV host at aktres, at ang isa-spotlight ng Good Morning Kris ang personalidad na nabuo ng mga pinagdaanan ni Kris sa mga taong ito – intelehente, masayahin, may sariling isip ngunit may puso at tunay ang emosyon.

GOOD MORNING KRIS HIGIT ILANG KAYA KRIS KRIS AQUINO MORNING NARIYAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with