Korina sanchez,out na sa 'Morning Girls'
() - May 18, 2004 - 12:00am
Dahil may bago nang programa si Ms. Korina Sanchez na kasama si Mr. Ted Failon na may working title na Handa Na Ba Kayo? tuwing araw ng Linggo ay mawawala na siya sa Morning Girls with Kris and Korina.

Dalawang Linggo na lang daw mapapanood si Ate Koring sa Morning Girls at pagkatapos ay solo na ni Tetay ang show at kung hindi babaguhin ang plano ay magkakaroon daw siya ng bagets na co-host (kailangan pa ba?).

Di kaya ibalik ang dating Today with Kris? Anyway, malaking relief naman daw ito on the part of Korina dahil finally, hindi na sila magkasama sa iisang show ni Tetay na alam naman daw ng lahat na nagpla-plastikan lang sila sa harap ng kamera.
* * *
Sa The Buzz last Sunday ay idininay daw nina Mr. Boy Abunda ang isyung mag-on sina John Estrada at Heart Evangelista. Pero sa S-Files naman ay ibinuking na may relasyon nga ang dalawa at nagkita pa raw sa Burgoo Restaurant, Podium ang dalawa kasama ang mga anak ni John kay Janice de Belen.

Magkaiba ang statement ng dalawang programa, mahirap paniwalaan pero isang taga Xymaca Bar along Timog Avenue, QC ang nakakitang magkasama sina John at Heart na magka-holding hands at iba raw ang tinginan ng dalawa.

Ka-join din daw sa Xymaca Bar sina Carlo Aquino, Ketchup at iba pang bagets na kunwari’y sila ang ka-tsika ni Heart.

Naguluhan naman kami dahil last Friday lang, sa taping ng Tanging Ina The TV ay dumalaw naman ang non-showbiz boyfriend ni Heart named Ian.
* * *
Dahil bago na ang bossing sa ABS-CBN ay marami na rin daw pagbabago sa mga programa, lalo na raw sa mga TV host na may mataas na posisyon sa network.

Rule daw na all high ranking officers ng network ay hindi na maaring maging host ng sariling programa, kasama kaya si Ms. Charo Santos-Concio ng Maalaala Mo Kaya?

Isa si Ms. Luchi Valdes sa tinanggal bilang host ng Special Assignment, kaya’t si Julius Babao ang ipapalit kay Luchi, sabagay, wala namang posisyon si Julius sa istasyon.

— Reggee Bonoan

ATE KORING BURGOO RESTAURANT CARLO AQUINO DAHIL DALAWANG LINGGO DAW HANDA NA BA KAYO MORNING GIRLS XYMACA BAR
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with