Angelu,ayaw papag-artistahin ang anak !
() - May 5, 2004 - 12:00am
First time na nakita sa TV screen si Nicole, ang anak nina Angelu de Leon at Joko Diaz at ito’y napanood sa Morning Girls sa Dos kamakailan.

Matagal nang kinukuhang artista ang anak ni Angelu at may mga komersyal pang inaalok sa bata pero, lahat iyon ay inayawan ng inang aktres. Ayaw nitong mag-artista ang kanyang anak dahil ayaw nitong maranasan ng kanyang anak ang magulong mundo ng showbiz. Kaya lang siya napapayag na mag-guest silang dalawa sa Morning Girls ay dahil walang pasok ang bata sa iskwela. "It’s her last na mapapanood sa TV at makita ang sarili niya sa screen."

Isa pang dahilan kung bakit napapayag siyang mag-guest ang anak ay dahil gusto rin ng bata na makita ang sarili sa TV. Gusto ni Angelu kahit minsan sa buhay ng kanyang anak ay makalabas din ito sa TV.

Ang pangarap ng aktres sa anak ay makapagtapos sa pag-aaral na kailanman ay di niya nagawa sa sarili niya. Hindi rin nito inaalis sa kanyang isipan na darating ang araw na gusto rin ng anak niya ang umarte dahil dugong artista ang nananalaytay sa katawan nito. "Siguro kapag malaki na siya at nasa tamang age to decide for her- self but dapat masunod niya ang gustong kong mag-aral muna siya at magtapos ng kurso." — Alex Datu

ALEX DATU ANAK ANGELU AYAW ISA JOKO DIAZ KAYA MATAGAL MORNING GIRLS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with