Star Circle Quest hanggang Mayo na lang/ D' Buzz,Morning Girls iri-reformat
() - April 22, 2004 - 12:00am
Hanggang May ngayong taon na lang ang Star Circle Quest. Tatapusin lang daw ang finals, kaya’t malungkot ang ibang staff ng naturang programa dahil hindi naman daw lahat ay bibigyan ng bagong programa, bilang kapalit ng SCQ.

Nadismaya raw ang management ng Dos dahil hindi raw pumalo sa rating ang naturang artista search, kaya’t imbes na magkaroon pa ito ng part two ay naiba na ang plano.

Isa ito sa pinagmi-mitingan ngayon ng mga bossing at headwriters sa Baguio City, bukod pa sa mga programang magri-reformat din.

Isa sa agenda ay ang papalit sa programang Sharon Live ni Sharon Cuneta dahil nag-last taping day na ito last Sunday night at co-host ni Mega si Ariel Rivera at may VTR interview naman si Richard Gomez.

Pangalawa ay ang pagri-reformat ng The Buzz this Sunday dahil maraming segment ang idadagdag at mawawala, balitang iibahin na rin ang stage at titulo.

Pangatlo’y magri-reformat din ang Morning Girls with Kris & Korina dahil natunugan nilang magri-reformat ang katapat nilang Sis nina Janice at Gelli de Belen. — Reggie Bonoan

ARIEL RIVERA BAGUIO CITY HANGGANG MAY ISA MORNING GIRLS REGGIE BONOAN RICHARD GOMEZ SHARON CUNETA SHARON LIVE STAR CIRCLE QUEST
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with